Chapter 3

284 24 0
                                    

"Freya!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko sa Avianna

"Wala ka bang kasabay?" tanong nito nang mapansing naghahanap ako ng taxi o pwedeng sakyan pauwi.

Tinawagan kasi ako ni mama kanina at hindi niya ako masusundo dahil sa meeting nila. Sinabi ko na rin sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi at pinaalalahanan niya ako na mag-ingat.

"Ah, oo e," sagot ko.

"Sumabay ka na sa'min ni kuya may service kami," anyaya nito.

"Hindi na, nakaka—" pinutol niya ang sasabihin ko at lumapit sa'kin, "huwag ka na mahiya 'no."

Ipinulupot nito ang kamay niya sa braso ko at hinila papunta sa kabilang waiting shed kung saan nando'n si Luke at iniintay ang service nila. Sa tingin ko ay 'di ako napansin ni Luke dahil nasa cellphone ang atensyon niya.

Dumating na ang service nila kaya hinila ako ni Avianna pababa ng waiting shed. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pinaupo sa backseat. Akala ko ay sa backseat din siya uupo pero nagpunta siya sa tabi ng driverseat. Si Luke ay naupo sa tabi ko, pero hindi niya pa rin ako napapansin dahil naka-earphone ito at sa tingin ko ay may binabasa o pinapanood ata siya sa cellphone niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tanggalin ni Luke ang earphone sa tainga niya. Nagpalingon-lingon pa ito kay Avianna at sa'kin. Nagulat siguro siya na kasabay ko sila.

"Nandito ka pala," gulat nitong sambit.

"Pinasabay ako ni Avianna," sabi ko.

"Girlfriend po ba 'yan ni Sir Luke?" tanong ni manong driver na sa tingin ko ay nasa 40+ na ang age.

Lahat kami ay gulat na gulat sa tanong ni manong driver kaya sabay-sabay naming nasabi ang, "Hindi po."

"Pasensya na po akala ko po girlfriend na kayo ni Sir Luke e." Napakamot pa ito sa ulo niya na parang nahihiya kung bakit 'yun pa ang tinanong niya.

"Kaklase namin siya, kuya Roman. E, napansin ko po kasing wala siyang kasabay kaya pinasabay ko na lang din po," pagkwento ni Avianna.

"Pasensya na po ulit, Ma'am," paumanhin muli nito at tinignan ako sa rear mirror.

"Okay lang po," kalmado kong pagtanggap sa paumanhin niya.

"Teka, saan ba bahay mo?" tanong ni Avianna.

"Ayan lang, malapit na." Itinuro ko ang street kung saan ako pababa at pinahinto ang driver sa gilid no'n, "d'yan na lang po sa tabi."

"Teka!" pigil ni Avianna sa'kin at hinawakan ang kamay ko, "d'yan ka nakatira?" tanong niya.

"Oo," tipid kong sagot.

"Malapit lang pala kayo sa'min. Diyan lang kami sa paliko niyan. Siguro 'di mo kami napapansin kasi sa kabilang street kami dumadaan at tsaka kakalipat lang namin diyan no'ng summer para malapit na kami sa school," kwento niya

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. You can visit our house o kaya bibisita kami sa inyo kapag may spare time ako." Hinila muli niya ang kamay ko upang umupo, "h'wag ka munang bumaba ihahatid ka na namin sa tapat ng bahay niyo."

Umupo muli ako hanggang makarating sa tapat ng bahay namin. Nagpaalam na si Avianna at Luke at gano'n din ang ginawa ko. Tinignan ko pa sila palayo at nakita kong lumiko nga ang kotseng sinasakyan nila. Napansin kong dumidilim ang kalangitan, pakiramdam ko ay uulan. Agad-agad kong kinapa ang susi mula sa bag ko at nang hindi ko ito mahagilap ay tinignan ko naman sa bulsa ko pero wala pa rin.

"Hala! Saan ko ba 'yon nailagay," nagpa-panic kong tanong sa sarili ko.

Kapag hindi ko nahanap ang susi ng bahay namin ay baka abutin ako ng ulan dito sa labas.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon