Freya's POV
"Naks Grey! Sure win na talaga tayo kung katulad kanina ang energy mo," sabi ni Enree.
Sabay-sabay kaming lumabas nang matapos ang practice nila. Ang galing nila kanina lalo na si Grey.
"Paanong mawawalan ng lakas si Grey e nandito ata si Freya," sabat naman ni Avianna at ngumiti nang nakaloloko.
"Ikaw pala ang source ng lakas ni Grey, Freya," panunukso pa ni Enree.
Napayuko at kamot na lang ako sa ulo ko. "I think, magaling na naman talaga si Grey when it comes to basketball kaya imposibleng ako pa ang dahilan no'n."
Sa wakas at nasabi ko rin ang gusto kong sabihin.
"Lagi naman akong may energy kapag naglalaro kami, required kasi. Pero, iba pala kapag nando'n ka at nakikita kitang pinapanood ako." Nagulat ako nang sabihin ni Grey 'yon mula sa tabi ko.
"Ay nako! Baka langgamin pa kami rito. Alis na kami, ha? Bye!" Paalam ni Avianna habang akbay siya ni Enree.
Naiwan kaming dalawa ni Grey at naiwang gulat na gulat ang reaksyon ko.
"I think, uwian na," pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa at pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalabasan na sa kani-kanilang classroom.
"O-oo nga, tingin ko rin," pagsang-ayon ko.
"Hmm... can I ask you?" nangangamba niyang saad.
"Sure, ano ba 'yon?" nag-iintay kong tanong
"Can I ask you for a date?" Para akong naistatwa sa tanong niyang 'yon.
"Hey! Okay lang ba sa'yo?" pagtatanong niya muli nang mapansing hindi ako sumasagot.
"H-ha? Date ba? O-okay," I stuttered in response.
"Awkward ba 'yung tanong ko? Oh siya sige, let's consider it as a dinner walang date sa dulo," dagdag niya at marahan na tumawa.
"Sige, uuwi na ako," paalam ko.
"Uuwi ka na? Ihahatid na kita," sabi niya
"Hindi na, magta-taxi na lang ako—"
"Huwag na, ihahatid na kita at tsaka sayang pamasahe mo. Tara na!" anyaya niya at nagpauna maglakad.
"Bro!" pagtawag ni Grey sa ka-teammate niya at binato ang bolang hawak niya na nasalo naman nito.
"Naks! May date si captain, sana all!" pagbibiro pa ng kasamahan niya.
Huminto si Grey at tinignan ako nang nakangiti. Naglakad ako pasabay sa kaniya dahil mukhang iniintay niya rin ako. Nang makarating kami sa parking lot ng coffee shop (kung saan kalimitang nagpa-park ng sasakyan ang ibang estudyante rito sa'min) nagtungo si Grey sa kulang itim na motor.
"Ayos lang bang sumakay ka sa motor? Gamit kasi ni mama at papa 'yung kotse kaya motor muna ginamit ko," pagpapaliwanag nito.
Ngumiti at tumango ako bilang sagot kahit sa loob-loob ko ay hindi ako sanay sa motor. Nakasakay na ako pero hindi pa ako komportable.
"Patagilid ka na lang umupo, nakapalda ka," dagdag niya.
Sinunod ko ang sinabi niya at naupo nang patagilid. Sinuot ko na rin ang helmet na ipinahiram niya sa'kin. Nagsabi na rin ako kung saan banda ang bahay namin. Tinatanong na ako ni Grey kung ayos na raw pero hindi ako mapakali kung saan ako hahawak.
"Ipulupot mo ang dalawa mong braso sa bewang ko," sabi niya nang mapansing hindi ako mapakali.
Nagulat ako sa sinabi niya pero agad ko ring sinunod. Humigpit ang pagkakayapos ko nang paandarin niya na ang motor. Hindi ko maiwasang mapapikit habang dinaramdam ang hangin na sumasalubong sa'min dahil medyo mabilis si Grey magmaneho.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...