Chapter 12

194 15 6
                                    

Third Person POV

Hindi makapaniwala si Freya na may nakaraan si Grey at si Paige.

Magkausap ngayon si Freya at Grey sa garden. Nag-walk out kasi si Paige na hindi nakikita si Freya.

"Sorry, I didn't mean to listen. Hahanapin lang sana kita kaso nakita ko kayo," paumanhin ni Freya.

"No, it's okay. If someone needs to apologize, it should be me. Hindi ko nasabi sa'yo na may nakaraan kami ni Paige. I'm sorry," paumanhin din ni Grey.

"And I guess...Paige threat you before to distance yourself from me. Huwag mo na sana intindihin 'yon, huwag ka lumayo o dumistansya sa'kin," pakiusap muli ng lalaki. Tumango naman si Freya at ngumiti bago niya ito inanyayahang magtungo na sa gymnasium.

Hindi maiwasan ni Paige na makaramdam nang selos noong makita niya ang dalawa na magkasama.

"Kailangan ko na ba siyang bitawan? Bibigyan ko na ba siya ng kalayaan? Kaya ko ba? Kaya ko bang bitawan lahat-lahat ng alaala naming dalawa?" bulong niya sa sarili niya at pinipigilan niyang umiyak.

'Si Freya na ba talaga ang dahilan ng mga ngiti niya?' dagdag niya pang tanong sa kaniyang isipan.

*****

"Miss ko na si Freya," sambit ni Alexis na isa sa mga kaibigan ni Freya sa dati niyang paaralan.

"I-message mo kaya, Alexis," rekomenda naman ni Xyrielle habang naglalagay ng liptint sa kaniyang labi.

"May competition ata na nagaganap sa school nila—" naputol ang sinasabi ni Azalea nang sumingit muli si Xyrielle.

"Edi may pogi do'n?" tanong nito at hininto ang ginagawa.

"Grabe talaga Xyrielle!" sabi naman ni Alexis.

"Duh! For sure pogi mga estudyante ro'n lalo na mga basketball players," maarte pang sabi ni Xyrielle.

"Grabe kaalaman mo sa mga pogi, Xyrielle. 1000 times," satsat ni Francheska.

"Ano ba kayo, ako lang 'to." Sabay flip hair si babae.

"Puntahan kaya natin siya sa school niya?" tanong ni Alexis.

"Alam mo kung saan?" tanong pabalik ni Azalea sa kaniya.

"Oo, 'di ba nabanggit niya 'yon sa group chat natin before?"

"I mean, alam mo ang daan papunta roon?"

"Magtatanong-tanong at tsaka google map. Duh! Kaya nga may technology para MAPAmadali e," mayabang pang dagdag ni Alexis.

"Pwede kaya outsider doon?" usisa ni Francheska.

"Pwede 'yan. Sa ganda kong 'to, malabong hindi tayo papasukin ng guard," muling daldal ni Xyrielle.

"Nag-message na ako, 'di pa nagre-reply. Sigurado ako nanonood 'yon ng competition sa school nila," saad ni Azalea bago ibinaba ang cellphone sa lamesang nasa harap nila.

*****

Nahinto sa panonood si Freya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nabuhayan at napangiti naman siya nang makita ang pangalan ng kaibigan.

Azalea Simmons: hi Freya! Balak ka naming puntahan sa school mo. Balita namin may competition na nagaganap, pwede ba ang outsider?

Freya Astherielle: Hello Azalea, sorry late reply and yes pwede kayo rito ngayon. Pwede outsider ngayon kasi may competition naman : >

Freya Astherielle: Teka. Alam niyo ba kung paano papunta rito? I will send the address, wait.

Ibinigay ni Freya ang address ng school nila para makapunta agad ang mga kaibigan.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon