Freya's POV
Isang linggo pa siguro ang lumipas bago ako muling nagpakita ng aming paaralan. Diretsong isang linggo rin ako kinakamusta ni Grey. Nalaman ko rin na si Scarlett daw ang mastermind sa nangyari sa akin. Binigyan daw siya ng 1 month suspesion at tinanggal sa pwesto bilang SSG officer. Sabi ng iba ay sumugod pa ang mga magulang nito para depensahan si Scarlett pero nang ipakita ang mga ebidensya sa kanila ay nagalit din sila sa kanilang sariling anak. Sobrang strict daw ng parents niya kaya paniguradong ikukulong daw siya nito sa kwarto.
Palaisipan pa rin sa akin kung bakit 'yon gagawin ni Scarlett sa akin? May atraso ba ako sa kaniya? May nagawa ba akong mali? Mukha naman siyang mabait at hindi gagawa ng mga ganoong bagay. Maging ang iba ay nagulat at hindi makapaniwala sa balitang iyon.
"O.M.G," dahang-dahan pang sabi ni Avianna dahil sa gulat nang makita ako. "Pumasok ka na ulit, Freya!" sigaw pa niya.
"Welcome back, Freya," bati rin ng iba kong kaklase na may ngiti sa labi.
"Alis na ako, ha? Punta na ako sa classroom namin," paalam ni Grey sa akin.
Nang malaman niyang papasok ako ay agad niya akong inabangan sa gate. Hinatid niya ako papunta rito sa classroom namin.
"I miss you so much!" dagdag ni Avianna na ngayon ay nasa harapan ko na hawak ang magkabila kong braso.
Lumapit din si Klyde sa akin at nagtanong. "Girl, kumusta ka? Ayos ka na ba?"
Tumango ako at ngumiti. "Ayos na ako."
Bumuntong-hininga ito. "Good to know."
Nagtama din ang paningin namin ni Luke na may ngiti sa labi.
Alam ko kung gaano sila nag-effort para mahuli ang suspect. At hinding-hindi ko kakalimutan ang pagtulong nilang 'yon.
Nang makita rin ako ni ma'am Reign ay nagulat din ito at kinamusta pa ako bago niya simulan ang klase.
*****
"Alam mo sobrang nakakatakot si Grey noong malaman niya ang nangyari sa'yo. Para siyang dragon na nagbubuga ng apoy," pagkwento ni Calyx na may kasama pang action.
Nasa soccerfield kami ngayon at nagkukwentuhan. Makulilim kaya hindi mainit sa pwesto namin.
"Nag-alala lang naman ako no'n," sabi ni Grey.
"Edi ibig-sabihin bawal ka pa lang pinag-aalala kasi nagta-transform ka bilang dragon?" biro pa ni Calyx kaya nagtawanan kami.
"Hay nako, Calyx. Sabihin mo hanggang seryosong usapan nagbibiro ka," sabi tuloy sa kaniya ni Fiona.
"Syempre! Dapat nagtatawanan pa rin tayo kasi gano'n ang bonding," saad ni Calyx.
"Kidding aside, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa 'yon ni Scarlett," seryosong dikta ni Avianna.
"Kahit din ako," pagsingit ko.
"May galit ba siya sa'yo?" tanong ni Castriel.
"Wala. Ni hindi nga kami close no'n," sagot ko.
"Grabe, akala ko ganoon ko na kakilala ang pinsan ko," hindi makapaniwalang sambit ni Castriel at napailing-iling.
"Huwag na natin pag-usapan 'yan. Hayaan niyo na lumipas 'yan lalo na sa alaala ni Freya," pagpapatigil ni Grey sa aming pinag-uusapan.
"E ako may tanong," pagsingit ni Calyx habang inaayos ang pagkakaupo.
"Ano na namang kalokohan 'yan, Calyx." Napakamot na lang si Castriel habang nakataas ang dalawang kilay.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Fiksi RemajaPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...