Chapter 41

105 14 3
                                    

Luke's POV

I saw Grey and Freya...

Are they dating?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko. I thought Freya would wait for me, but what happened?

"Kuya? Bakit tulala ka riyan?" Natauhan ako nang biglang magsalita ang kapatid ko mula sa likod ko.

"Nothing, umuwi na tayo," anyaya ko.

"Tara na?" anyaya rin pabalik ni Avianna kaya sumakay na kami sa kotse.

Pinaandar ko na ang sasakyan namin pero hindi ko pa rin maiwasan isipin ang nakita ko. Pansin ko rin na hindi gano'n kakomportable si Freya sa presensya ko kanina. Dahil ba 'yon kay Grey? Are she protecting that man's feeling?

"Kuya, nakakatakot ka na mag-drive. May nakikita ka ba sa daan na hindi ko nakikita?" biro ni Avianna sa tabi ko.

"This is nothing," seryosong kong sambit.

"Mukhang malalim iniisip mo ah. Ikaw ha, nakita mo lang si Freya nagkaganyan ka na." Bahagya akong siniko nito.

"May balak ka makipagbalikan 'no?!" dagdag pa niya.

"How? Freya and Grey looks like dating already," sagot.

Natigilan saglit si Avianna at biglang tumawa nang malakas.

"Why are you laughing like that?" nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya. Gusto niya magsalita pero napapahawak pa siya sa tiyan niya kakatawa.

"Kaya pala ganyan ka kalalim mag-isip kasi akala mo na-target na ni Grey si Freya?" aniya.

"Bakit? Hindi ba? Sinundo niya si Freya kanina. I saw that," sumbat ko.

"Ewan ko sa'yo, kuya, ang hina ng signal mo. They're just friends, 'no! Ang kwento sa akin ng bebe ko ay naging good terms na sila. At tsaka magkaibigan din kasi mother nila kaya siguro hindi na rin sila nalayo sa isa't isa. Wala rin kasi dito ang kuya ni Freya. Remember? girlfriend na no'n si Ma'am Reign at magkasama sila sa trabaho nila do'n sa Korea kaya parang tumatayong kapatid ngayon si Grey," dire-diretsong kwento ng kapatid ko sa akin.

"Bakit kailangan pa sunduin? Malay ko ba kung may balak pala ulit 'yong lalaki na 'yon na pormahan si Freya—" Muling tumawa nang malakas si Avianna at may kasama pang paghampas sa kaniyang binti.

"Kuya, wala na masakyan kanina kaya feeling ko e nagpatulong na si Freya kay Grey para makauwi na. Isa pa, balita ko rin ay may balak ligawan si Grey sa isa sa mga blockmate ni Freya. Nasa iisang university ang dalawa, minsan nga sabay umuwi at pumasok dahil 'yon na raw ang usapan ng mga magulang nila. Bakit ka ba ganyan umasta? Are jealous, kuya?" dire-diretso niya muling sabi at muling tumawa.

"Hindi ako nagseselos," madiin kong sagot.

"Sus! Seloso ang kuya ko," pang-aasar pa nito kaya napailing-iling na lang ako.

Gumaan ang pakiramdam at kumalma ang isip ko mula sa mga nalaman ko. At this point, may pag-asa pa rin lahat para sa akin.

"Shoot your shot na kuya! Akala ko nga e nag-damoves ka na nung sabay kayong pumasok," sabi pa ni Avianna.

"It's just a short conversation between us," sabi ko naman.

"Teka nga, kuya. Pwede ba pahiram ng jacket mo? Nilalamig ako bigla—"

"Na kay Freya."

Natigilan muli siya sa sinabi ko at ngumisi.

"If ever na isauli niya sa'yo dahil baka naiilang siya sa akin, isauli mo na lang agad sa akin," bilin ko.

"Hmm, paano kaya ako gagawa ng way para sa'yo idiretso ni Freya ang jacket mo?" bulong nito. Hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy na sa pagmamaneho hanggang sa makauwi kami.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon