Ang weird pa rin no'ng lalaki kahapon. Bakit parang gulat na gulat naman siya sa pangalan ko? May problema ba?
"Freya!" bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ang pagtawag ni Avianna na may kasabay pang palakpak.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo. Tara na, P.E na natin," anyaya niya sa'kin.
Tumayo ako at sumama sa kaniya papunta sa soccer field kung saan kami magpi-P.E. Nando'n na halos lahat at ang iba ay papunta pa lamang.
Sumipol na ang teacher namin sa P.E para bilisan ang pagpunta sa soccer field para makapagsimula na.
"Obstacles course ang gagawin natin ngayon kaya dapat may energy kayo!" sigaw ng teacher namin para marinig naming lahat.
"Yes! Whoaaaa! Ako lagi akong energetic. Milo everyday!" hyper na hyper na sabi ni Calyx habang nagtatatalon.
Pinagbilang kami ng 1, 2 para sa groupings. Ka-group ko ang magkapatid na si Luke at Avianna kasama rin namin si Calyx na kanina pa atat na atat.
"Ang unang obstacle na susubok sa inyong balanse ay ang pagtulay ninyo sa kahoy na iyan." Itinuro ng teacher namin ang malapad na kahoy at sa tingin ko isang paa lang ang kasya rito.
"Pangalawa, stutter-step tires. Bawat gulong ay dapat niyong madaanan." Ipinakita niya naman sa'min ang limang pares ng gulong.
"Pangatlo, monkey bars. Swing from rung to rung hanggang makapunta sa dulo.
"Pang-apat, rope wall. Kailangan niyong makaakyat sa kahoy na pader na iyan gamit ang lubid na nandiyan."
"Panglima, spider web. Gagapang kayo sa gitna ng madaming garter na iyan hanggang makarating sa finish line."
Sa spider web magtatapos ang aming obstacles course kaya hindi na kami nagtagal ay nagsimula na kami.
Unang naglaban ay si Luke at Castriel. Nauna naman si Luke dahil sa sobrang bilis ng pag-akyat niya sa kahoy na pader. Sumunod si Calyx at Klyde. Nauna si Calyx dahil sa ka-hyper-an nito kanina pa. Sumunod naman si Avianna at Fiona. Nauna si Fiona dahil na-stock si Avianna sa spider web. Kami naman ni Meghan ang naglaban. Akala ko ay mauunahan niya ako dahil sa bilis niyang tumulay sa malapad na kahoy pero naunahan ko siya pagdating sa rope wall at spider web. Nasundan pa 'yon ng iba naming kaklase at sa huli, grupo namin ang nanalo.
Nag-discuss pa ang teacher namin about sa obstacles na pinagdaanan namin bago kami pabalikin sa classroom. Kaniya-kaniyang tapat sa electric fan ang iba para makasagap ng hanging malamig. Ang iba ay uminom ng tubig na galing sa canteen dahil malamig ang tubig doon. May iba ring kumain muna sa canteen dahil mayamaya pa naman ang simula ng pangalawa naming subject. Uminom lang ako at nagpahangin.
"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Luke sa'kin na kakaupo lang sa upuan niya.
"Hindi na, busog pa naman ako," sagot ko.
Kinuha ko ang folder ko sa bag ko na hindi ko nagagamit at pinangpaypay ko sa sarili ko. Pumikit ako habang nagpapaypay sa sobrang pagod kanina.
Naramdaman kong may hanging nagmumula sa katabing parte kung saan ako umupo kaya iminulat ko ang mata ko. Nakita ko si Luke na ipinapangpaypay ang folder niya sa'kin.
"Uy! Bakit mo ako pinapaypayan?" Umayos ako ng upo at pinahinto siya sa pagpaypay sa'kin.
"Baka kulang pa 'yung hangin sa'yo. Mukhang pagod na pagod ka," aniya.
"Ako na. Baka may makakita pa sa atin at iba ang isipin," bulong ko sa sarili ko na alam kong narinig din naman niya.
Buti na lang ay nasa canteen pa ang iba at nagsisikain. Kaming dalawa lang ang nasa classroom.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...