Chapter 33

152 15 4
                                    

Freya's POV

"Saan kayo magsi-senior high?" dinig kong tanong ni Fiona.

"Magkakaroon na raw ng SHS dito next year? So, baka dito na rin ako," sagot naman ng isa naming kaklase.

Naririnig ko ang pag-uusap nila pero parang lumalabas lang sa kabila kong tainga ang lahat.

"Ano kukunin niyong strand?" tanong naman ni Klyde.

"HUMSS."

"TVL ICT."

"STEM."

"ABM."

Sagot nila sa isa't isa.

"Ikaw, sis?" Kinalbit ako ni Klyde kaya natauhan ako sa pagkakatulala.

"H-ha?" taka kong tanong.

"Si ante kanina pa looking sa afar. Masyado naman atang deepness 'yang tini-thinking mo," turan ni Klyde kaya tumawa na lamang ako.

"Ano ba pinag-uusapan niyo?" tanong ko ulit.

"Saan ka mag-SHS at tsaka anong strand ang kukunin mo?" ulit naman ni Fiona.

"Ah, 'yon ba? Sa school hindi pa ako sigurado kung dito na rin ba ako tapos sa strand naman ay ABM," dire-diretso kong sagot.

"Naks! Hanggang strand matchy-matchy pa rin. ABM din si Luke e," biro pa ni Klyde.

Ako, si Klyde, Calyx, Fiona, at ibang kaklase pa lang naming ang nandito sa canteen. Umalis lang saglit si Castriel at si Luke naman ay susunod dahil may kailangan lang siya ipasa ngayon.

Pagpasok ko pa lang dito sa canteen ay para na akong binagsakan ng daan-daang schoolworks sa sobrang pagkasabog ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala sa isip ko ang gabing tinawagan ko si Luke at si Scarlett ang sumagot. Hindi naman ako ganoong kaselosa para awayin si Luke dahil may kasamang ibang babae. Hindi ko rin alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon. Bigla ko lang naisip na may gusto nga pala si Scarlett sa kaniya bago maging kami at hanggang ngayon ay hindi ko naman alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ni Scarlett kay Luke. Dagdag pa sa isipin ko ang sinabi niyang natutulog si Luke sa tabi niya kaya ganito na lang ang pag-aalala ko. Hindi ko alam kung normal ba na mag-isip ako nang ganito sa kanila. May tiwala naman ako kay Luke at alam kong mabait na babae naman si Scarlett.

Overthinking? I don't know.

"Madami pala tayong mag-ABM. Baka mukhang pera talaga ang kalahati ng section natin," biro ulit ni Klyde na tinawanan namin.

"Not me. Tamang hack lang sa mga account niyo kapag bored ako," sumbat naman ni Calyx na TVL-ICT ang kukuning strand.

"Kailangan na pala mag-ingat ni Meghan sa'yo."

"Huy, grabe ka naman. Ano pa lang kukuning strand no'n?"

"Bakit hindi mo tanungin?"

"Hiya ako ih."

"Sus, hindi ka lang kasi pinapansin one week na."

"Ouch!"

Napailing-iling na lang ako sa kanila. Pansin ko nga na parang iniiwasan ni Meghan si Calyx at hindi namin alam kung bakit.

Dumating na si Luke at naupo sa tabi ko. Hindi ko tuloy alam kung paano aakto sa harap niya lalo na kung ganito ang takbo ng isip ko.

Bumalik na rin si Castriel kaya nagsimula na kaming kumain. Inintay namin sila para magsabay-sabay na kami. Mahaba pa naman ang oras kaya naintay pa namin sila.

"Tapos na report at project namin, no more excuses na," balita sa akin ni Luke at nginitian ko naman siya.

"Yes! Babalik na si Pres. May matatanungan na ako nang maayos, lagi kasing galit mga pinagtatanungan ko e," madiin naman na sumbat ni Calyx habang isa-isang tinitignan si Fiona, Castriel, at Klyde.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon