Naghahanda akong magbihis dahil aalis kami ni mama at susunduin si kuya sa airport. Halata na nga raw sa mukha ko na sobrang excited ko na makita si kuya sabi ni mama.
"Nako, alaman na madaming pasalubong ang kuya mong 'yon," sabi ni mama habang nagsusuklay.
"Kaya nga po, ma. Kulang na lang dalhin na ang buong South Korea sa dami ng pasalubong no'n," pagbibiro ko.
Nang matapos naming mag-ayos ni mama ay dali-dali na kaming sumakay sa kotse para sunduin si kuya. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan nang sa gayon ay malinaw kong nakikita ang bawat dinadaanan namin at makalanghap ng sariwang hangin.
Habang nag-e-enjoy ako sa bawat tanawin na aming nadaraanan ay tumunog ang cellphone ko—tunog may nag-message.
Grey Clemonte: Good morning, Freya.
Freya Astherielle: Good morning din, Grey
Pagkabati ko sa kaniya pabalik ay nag-send siya ng picture ni Haru. Napaka-cute talaga ng asong 'to.
Grey Clemonte: Haru said that he wants to brighten your day and mood, did it work?
Freya Astherielle: Yes, he's super cute. Sana makita ko siya ulit.
Grey Clemonte: Gusto mo sunduin kita diyan sa inyo? Punta ka rito sa'min
Freya Astherielle: wala ako sa bahay
Grey Clemonte: Where are you, then?
Freya Astherielle: Papunta kami ni mama sa airport, sunduin kuya ko
Freya Astherielle: Btw, may ipapakita ako sa'yo habang nasa sasakyan kami
Nag-send ako ng picture ng nadaanan naming malawak na grassfield.
Freya Astherielle: Ang ganda, 'di ba?
Grey Clemonte: Turn the camera around, it will be prettier.
My cheeks turned red and my heart beats fast when I realize that he's referring to me. I don't know how to respond after that.
Pagkasabi ni mama na nasa airport na kami ay hindi na ako nakapag-reply dahil tinago ko na ang cellphone ko sa shoulder bag ko. Agad akong tumakbo at niyakap si kuya nang matanaw ko siya habang hila-hila ang kaniyang mga maleta. Niyakap din ni kuya si mama at tuluyan na nga kaming nag-group hug sa gitna ng airport.
"Oh, tara na para makapag-bonding na tayo," anyaya ni mama.
Tinulungan namin si kuya na ilagay sa likod ang mga maleta niya. Ang tagal niyang nawala kaya hindi ko itatanggi na na-miss kong asarin siya.
"Ano kuya? Hanggang sa Seoul wala pa ring nagkagusto sa'yo?" pang-aasar ko.
"Hoy Freya, foul 'yan!" pikon niya agad na tugon na siya namang tinawanan ko.
"Hay nako, Evess, alam mo bang may ka-date na 'yang kapatid mo?" singit ni mama sa usapan kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Ma, wala naman po e!" reklamo ko at tumawa lang si mama.
"Sino 'yan, ha? Ikaw ha inuunahan mo pa ako," pang-aasar ni kuya.
"Alam kong kilalang-kilala mo 'yon, Evess," dagdag pa ni mama.
"Yieeee!" panunukso pa ni kuya at hindi natigil 'yon hanggang makauwi kami.
*****
"Ma, idlip lang po ako tapos gala tayo," anyaya ni kuya matapos kumain.
"Sige, alam kong pagod ka rin," saad naman ni mama.
Uminom ako ng tubig at naupo sa sofa. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko—may nag-chat.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...