Chapter 10

224 17 6
                                    

"Grabe ang bilis! Bukas na agad 'yung competition."

"Sure win ang school natin diyan!"

"Mas sure pa sa sure. Ang galing-galing kaya no'ng magkaibigang Grey at Enree."

"Bakit parang nagpo-focus lang kayo sa basketball? Meron din tayong soccer at volleyball."

"Tayo lahat mananalo diyan, sus!"

Bulong-bulungan sa canteen. Mas umingay ang canteen ngayon dahil sa magaganap na competition bukas. Nabanggit din ni ma'am na walang klase ngayong hapon dahil aasikasuhin muli nila ang natitirang pagdidisenyo sa gymnasium. Madami pa raw silang aasikasuhin bukod sa mga players at pagdi-design.

"Baks!" sigaw ni Klyde na kakapasok lang sa canteen nang makita akong nakaupo sa isang sulok.

"Patapos na akong kumain, wait lang," sabi ko nang makalapit siya at sinubo ang natitirang pagkain sa plato ko.

Sinabihan niya kasi ako na gagawa kami ngayon ng banner na matagal niya ng sinasabi sa'min noon.

"Kalerki! Kanina pa kami ni Avianna naghahanap sa'yo nandito ka pala," saad niya at humawak pa siya sa ulo niya na parang nai-stress.

"Saan tayo gagawa?" tanong ko habang nililigpit na ang pinagkainan.

"Sa rooftop, 'te. Madami tayong kasama roon may taga-ibang section at iba't ibang grade level. Akala ko nga ay tayong mga grade 10 at grade 9 lang ang sumama. Kalerki! May grade 8 at grade 7 din sobrang creative nila," daldal niya.

"Talaga? Buti 'di hinahangin 'yung mga banner," sambit ko pa habang kasabay siyang maglakad palabas ng canteen.

"Hindi naman. Halos karton o cardboard ang gamit namin kasi madaling magugusot kung kartolina o papel," paliwanag niya.

"Sabagay," ani ko.

Nang makarating kami sa rooftop ay ang dami ngang nando'n. Natanaw ko pa si Avianna na tinutulungan ang taga-ibang grade level.

"Hello mga people!" Nabaling ang atensyon nilang lahat sa sigaw ni Klyde habang kumakaway-kaway sa kanila.

"Sino po 'yung kasama niyo? Siya po ba 'yung kasama minsan ni kuya Grey na transferee?" tanong ng isang batang babae na sa tingin ko ay grade 7 or 8.

"Ah siya ba? Siya si Freya. Oo, siya 'yung kasama ni Grey minsan, bakit?" tanong ni Klyde sa babae.

"Sila po ba?" bigla nitong tanong na siyang ikinagulat ko.

"Hoy babae! Bakit gan'yan mga tanong mo, ha? By the way, hindi sila." Napa-face palm na lang ako sa inakto ni Klyde.

"Sayang," bulong no'ng babae, "pero bagay po sila!" pahabol nito.

"Yieeeee!"

"Sanaol!"

"When kaya!"

"Shhh! Tama na 'yan. Kayo ha kung ano-ano na nalalaman niyo," saway ni Avianna. Pinuntahan kami nito sa unahan at hinila na papunta sa pwesto kung saan kami gagawa ng banner.

Hindi na kami nagsayang ng oras at nagsimula na kami sa paggawa. Sinulatan namin sa taas ng PHS (Phillips High School) at nag-paint ng bola sa baba nito. Sa baba muli ng ipininta naming bola ay inilagay namin ang pangalan ng team nila in a cursive way of handwriting.  Sa baba na naman muli ng pangalan ng team nila ay sinulat namin ang pangalan nila—pangalan ni Grey, ni Enree at mga kasamahan pa nila. Pinapatuyo na lang namin lahat ng ipininta gamit ang mini fan ni Klyde at Avianna.

Napansin kong paunti nang paunti na kami dahil ang iba ay tapos na. Ilalagay daw nila ang mga banner na ginawa nila sa kani-kanilang classroom para hindi na nila hanapin kung saan. Gano'n din ang ginawa namin nina Avianna nang matapos kami. Bumalik sila ni Klyde sa rooftop dahil magpa-practice sila ng sayaw. Naiwan akong mag-isa sa classroom dahil bukod sa nagpa-practice si Klyde at Avianna, ang iba kong kaklase ay nanonood o 'di kaya nasa canteen.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon