Chapter 29

148 20 9
                                    

Freya's POV

"Hmm, Freya?" natauhan ako nang tapikin ako ni Luke sa balikat habang ako ay nakatayo sa harap ng classroom namin na tulala sa baba kung saan may mga estudyanteng naglalakad na pauwi at ang iba naman ay naglalaro pa ng kung ano-anong sport.

Napapikit at iling ako nang mabilis. "L-luke." Pilit akong ngumiti nang harapin siya.

Iniisip ko pa rin kasi kung bakit ginawa ng nanay ni Paige 'yon kay mama. Pagkatapos kasi naming makita si mama sa labas noon na dumadaing na ay may nakita raw na tumatakbong babae si kuya. Hindi ko nakita dahil sa sobrang pag-aalala ko kay mama noon. Ang nasa isip ko lang noon ay dapat na naming siyang madala sa Hospital dahil baka kung napaano siya. Hindi na rin namin siya matanong noon dahil hindi na raw siya makapagsalita sa sakit. Noong umayos-ayos siya ay kinuwento niya sa amin ang nangyari. Kitang-kita ko ang galit sa mata ni kuya noon at tinanong si mama kung ire-report ba namin ang nangyari pero tumanggi si mama at hayaan na lang daw. Ayaw na rin ni mama pag-usapan kung anong nangyari at pinag-usapan nila kaya hindi na kami nagtanong pa.

"May problema ba? Kanina ka pa diyan nakatayo, nag-uuwian na 'yung iba," aniya.

"Wala naman, just spacing out here," sagot ko.

Pinatong niya ang dalawang braso niya sa railings. "Can't blame you kung dito ka nags-space out, mahangin e."

"Dami kasing schoolworks this week e," pagsisinungaling ko at ipinatong na lang din ang mga braso sa railings habang nakatanaw sa malayo.

Totoong madami-dami pang school works dahil nauna lang ang Christmas party ng bawat section at may pasok pa after. Pagkatapos pa ng panglahatang party o big event kami makakapag-break.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin. "Nahihirapan ka ba? I can help you anytime."

Lumingon din ako sa kaniya at ngumiti lang. "Kaya ko naman at tsaka madami ka ng ginagawa, salamat na lang." Binalik ko ang tingin ko sa malayo.

Narinig ko ang pagtawa niya nang marahan. "I can make time for you." Hindi ako nakasagot at nanatiling estatwa sa kinatatayuan ko. Nag-init pa ang pisngi ko nang marinig ko ang binulong niya. "I can give you quality time."

Lumingon-lingon ako hanggang napatingin ako sa wrist watch ko. "Anong oras na pala, uwi na ako."

"Sabay na tayo, hatid na rin kita sa inyo." Umayos siya ng tayo at nilahad ang kamay sa akin. "Ako na diyan sa bag mo."

Umiling lang ako at tumawa. "Ano ka ba, kaya ko naman dahil magaan lang--"

"You can't fool me, parehas lang halos tayo ng mga dalang gamit at alam kong madaming laman 'yang bag mo," aniya. Hindi na ako nagsalita pa dahil totoo namang mabigat tapos bababa pa kami mula dito sa fourth floor.

"O-okay." Tatanggalin ko na sana sa pagkakakabit ang bag ko nang pumunta siya sa likod ko at tinulungan niya akong tanggalin ito. Binitbit niya ang isang strap nito sa kabilang balikat niya.

Ilang minuto lang ay huminto na ang sinakyan naming taxi sa harap ng bahay namin. Nagtaka ako kung bakit bumaba na rin siya kung ang bahay nila ay paliko pa.

"Paliko ka pa, 'di ba?" tanong ko.

"Kaya ko naman lakarin." Kinuha ko na ang bag ko at inabot niya naman ito.

"Want some foods? Pasok ka muna gumawa naman si mama ng merienda," alok ko. Baka gutom na rin siya dahil anong oras na rin.

"Hindi na, baka masyadong maging botong-boto ang mama mo sa akin." Nagtawanan kami. "Just kidding. Pauwi na rin naman ako, gusto lang kitang makitang umuwi bago ako," aniya. Nagpaalam kami sa isa't isa bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon