Chapter 25

178 21 1
                                    

Grabeng awkwardness 'tong nararamdaman ko. Hindi pa naman confirmed kung ako ba 'yon pero ang laki ng impact sa akin. Baka mamaya assuming lang ako dito at hindi naman talaga ako 'yon.

"Ma, sino po bang lalaki ang naging childhood friend ko?" tanong ko bigla kang mama na naghihiwa ngayon ng patatas para sa niluluto niya.

"Madami kang naging kaibigan nung bata ka anak, sino sa kanila?" tanong din pabalik ni mama.

Oo nga pala. Nasobrahan ang pagiging friendly ko nung bata ako kaya paano pa maalala ni mama 'yon.

"Una talagang naging kaibigan mong lalaki ay anak ni Gail Clemonte—si Grey. Mga 1-2 years old pa lang kayo no'n since naging magkatrabaho kami ni tita Gail mo kaya lagi namin kayong bitbit."

"Iba pa po ma sa ibang edad," sabi ko pa.

Iniisip niya pa kung sino ba ang tinutukoy ko dahil pati ako ay hindi ko rin alam kung paano itatanong.

"Si ano po, ma. Si tita Rhemanda may anak po ba siyang lalaki?"

"Wala, anak. Pero may pamangkin siyang lalaki. 'Yan 'yung naging kaibigan mo noong 6 years old ka."

"Ano pong pangalan niya?"

"Nakalimutan ko anak e." Napakamot pa si mama ng ulo dahil sa mga tanong ko.

"Last na po, ma. Ano pong full name ni tita Rhem?"

"Rhemanda Zacharia."

Dang! Magkaapelyido sila.

"Na-curios naman ako diyan 'nak kung bakit mo biglang natanong," aniya.

"Ewan ko rin po, ma. Gusto ko lang po siguro maalala 'yung childhood memories ko sa sobrang drained ko this week," pagsisinungaling ko.

"Nako, anak ha. Take a break 'pag pagod na," paalala niya.

"Opo, ma."

Nagulat ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko kasabay ang tunog nito kapag may nagme-message sa akin.

Luke: Freya, pwede ba tayong magkita sa park na nadadaanan minsan kapag nauwi or sunduin na lang kita sa inyo?

Freya: Send mo na lang ulit address kung saan 'yon. Intayin mo na lang ako :)

Kinabahan ako bigla kung bakit gusto niya makipagkita sa akin. Nahiya na rin ako magpasundo baka magmukha akong ewan habang magkasama kami papunta sa park na 'yon. Nagpaalam ako kay mama at nagpresinta pa siya na ihahatid ako pero sinabi ko na malapit lang at ita-taxi ko na lang 'to.

Habang papunta do'n ay grabe ang pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ano ba 'to at bakit may paganito?

Nang makarating ako sa park na 'yon ay nando'n na si Luke at nag-iintay. Hindi pa niya ako nakikita kaya huminto muna ako saglit.

Ano ba 'to ba't ba ako kinakabahan?

Lumakad na ako nang dahan-dahan at nung papalapit na ako ay nakita niya na ako. Sumilay ang ngiti niya sa labi. Naningkit ang mga mata niya. Nakasuot siya ng black polo shirt at khaki pants. Ang attractive niya tignan sa mga mata ko ngayon.

May nakalatag na picnic blanket sa damuhan na 'yon at katapat ang ilog. Mahangin sa park ngayon. May mga upuang bato na nakaikot sa mesang bilog na bato rin. Naka-porma ang mga halaman. May mga food stall sa gilid. May swing, seesaw, at slide.  Maunti lang ang tao dahil medyo maaga pa at dahil sabado ngayon.

"Upo ka dito," aniya. Naupo ako sa picnic blanket na inilatag niya.

"Do you want something to eat? Bibilhan na lang kita sa food stall. Nakalimutan ko magdala ng pagkain," tanong niya. Umiling ako ngumiti, "hindi na, busog pa naman ako."

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon