Chapter 36

119 15 6
                                    

Iba talaga ang simoy ng hangin kapag bakasyon na. No more acads stress.

"Isang kahon ng sunblock ang dala ko, 'wag kayo mag-alala diyan!" sigaw ni Klyde sa mga kaklase namin na nagrereklamo na nakalimutan nila ang kani-kanilang sunblock.

We're having a summer outing at sina Klyde at Avianna ang nag-insist. Kumpleto kami ngayong magkaklase.

Sana nga raw ay lagi na lang outing noon para laging hundred percent ang attendance. Inimbita rin namin si Ma'am Reign pero hindi raw siya makakasama dahil nasa bakasyon siya. Hindi na ako nagtaka kung bakit bawat oras e may ka-video call si kuya at panay ang 'I miss you' sa katawagan.

May pool din sa harap ng dagat at sa baba ang mga cottage. Dalawang malaking open air na cottage ang kinuha namin. Magkadikit naman halos 'yon kaya hindi kami magkakalayo. Halos fourty plus kasi kami ngayon kaya dalawa ang kailangan. May dala-dala rin kaming tent at may group na kung sino-sino ang magkakasama sa pagtulog. Hindi na kami kumuha ng cottage na may tulugan dahil mapapamahal pa kami sa ambagan. Nilaan na lang naman 'yon sa madaming pagkain dahil mag-o-overnight kami.

"Ikalma muna ang mga kalamnan naglalatag pa lang ng pagkain baka mangalahati na na agad 'yung shanghai diyan," balala ni Klyde na nakatingin kay Calyx.

"Oh, bakit parang kasalanan ko," depensa niya.

Meghan lead the prayer bago kami kumain.

Inabutan ako ng paper plate, kutsara, at tinidor ni Luke. Siya na rin ang nagsandok ng pagkain ko at tinatanong ako kung okay na ba 'yung dami ng nilalagay niya. Habang kumakain kami ay halos mabulunan na ang iba sa kalokohan ni Castriel at Calyx sa cottage.

"Tantanan mo na ako, Calyx. Hindi na ako makakain sa mga ginagawa mo, magpakain ka naman!" suway ni Castriel sa kaniya na nagpipigil ng tawa dahil sa nginunguya niya.

Kinuha ni Calyx ang kutsara ni Castriel at sumandok ng pagkain. "Oh, sige magpapakain na ako. Eng! Airplane lalanding na. Nganga, anak," pang-aasar pa ni Calyx at pinaikot-ikot ang kutsarang hawak niya bago usubo kay Castriel.

Palihim na lang kaming tumatawa ni Luke sa napapanood namin. Hindi pa rin sila nagbabago, mga loko pa rin.

May kaniya-kaniya na kaming mundo noong sumapit ang hapon at nag-iintay ng sunset. Ang iba sa amin ay nagpapalit na ng pang-swimming at nagsisipuntahan na sa pool. Ang iba ay nandito sa dagat nagtatampisaw. Nakatayo lang ako habang nakatanaw sa kanila. Dinadamdam ang sariwang hangin.

"Hindi ka pa magsu-swimming?" tanong ni Luke sa tabi ko na nakapamulsa.

Naka-khaki short siya at beach polo ngayon. Habang ako naman ay naka-sleeveless beach shirt na kulay white pa rin.

Tinignan ko naman siya at sumagot. "Maya-maya siguro kapag maunti na tao. Samahan mo 'ko, ha."

Tumango naman siya at marahang tumawa. Nakita ko rin ang namumula niyang pisngi.

Pinagkrus ko ang aking braso at kumunot ang noo. "Bakit?"

Lumingon ulit siya sa akin na hindi inaalis ang mga ngiti sa labi. "Wala lang, para ang cute at sweet naman no'n na tayong dalawa sa dagat." Napahawak siya sa batok niya. "Ikaw ha, gusto mo 'ko masolo." Tinawanan ko siya at umiling-iling.

Nang kumaunti ang tao ay nagpaalam na ako magpalit ng suot. Naiwan lang do'n si Luke na nag-iintay sa akin.

Crochet halter top at short na katerno no'n na color khaki ang suot ko. Bumalik na rin ako agad sa pwesto namin ni Luke kanina. I'm shocked when I saw his back. Topless na siya ngayon at nakatupi sa tabi niya ang polong puti na suot niya kanina.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya ay lumingon siya kaya napahinto ako. Parehas na kaming gulat at pinagmamasdan ang isa't isa.

Ngayon ay kitang-kita ang broad shoulder niya at kaputian ng balat niya. Parang male kpop idol ang katawan niya kung ilalarawan ko sa madaling salita.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon