"So ganito ang mangyayari bukas." Lahat kami ngayon ay nakikinig sa ipapaliwanag ni Avianna.
Nasa rooftop kami ngayon at nakaupo sa inilatag na karton ni Calyx. Nakaporma kaming pabilog habang nag-uusap-usap. Ipinapaliwanag kasi ni Avianna ang birthday suprise para sa kaniyang kapatid na si Luke.
"Syempre bukas kami na bahala nina Klyde, Fiona, Castriel at iba nating kaklase sa pag-aayos sa bahay namin. 'Yung cake na ipinagawa ni mommy at daddy ay ipapakuha pa. Hindi naman pwedeng iuwi agad 'yon kasi makikita ni kuya kaya kung ayos lang kayong dalawa ni Meghan ang kumuha ng cake?" tanong ni Avianna sa akin at nakangiti akong tumango.
"Samahan mo sila, Calyx," dagdag pa ni Avianna.
"Okay," walang buhay na sagot nito.
Isang himala at kataka-taka na hindi siya hyper ngayon.
"Nagdadalamhati si Calyx sa kaniyang sapatos," satsat ni Castriel at tinawanan ang kaibigan.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Klyde.
"Naglalaro kasi ako ng soccer sa amin suot 'yung rubber shoes na binigay ni Meghan sa akin. 'Di ba puti 'yon? Ayon nabinyagan sa putik kasi pagsipa ko ng bola lumipad pati sapatos ko—" Hindi pa tapos magkwento si Calyx ay nagtawanan na kami. Halos magwala na si Castriel sa kakatawa habang hawak ang tiyan at nakaturo kay Calyx.
"Sakit ng tiyan ko gagsti haha—ehem!" Napaubo na lang sa dulo si Castriel dahil sa katatawa.
"Don't use that rubber shoes all the time. Pati ba naman sa bahay niyo ginagamit mo," payo pa ni Meghan na natatawa rin pero nagawang maging mahinahon.
"Deserve!" natatawa ring sambit ni Fiona.
"Masyado na kayong masaya pwede na kayo mamahinga," badtrip na sambit ni Calyx habang nakahalumbaba.
"Huwag na magalit ang bebi bebi na iyan," pang-aasar pa ni Castriel.
"Sige, Castriel, ipagpatuloy mo pa 'yan," seryosong saad ni Calyx.
"Hindi bagay seryoso sa'yo, 'tol. Balik ka nasa pagiging hyper hindi ko na kaya~" walang tigil na pang-aasar ni Castriel
Akala ko magiging loner ako kapag lumipat ako ng school, akala ko mangungulila lang ako sa kaibigan pero lahat ng 'yon ay isa lamang maling akala. Eto ako ngayon at masayang nakikitawa sa bilog ng pagkakaibigan.
"Basta 'yung plano, ha? Calyx, 'wag ka na maghimutok diyan," paalala ni Avianna.
"Gusto mo ba ulit ng bagong sapatos?" Biglang nabuhayan si Calyx sa sinabi ni Meghan. Nanlaki ang mata at abot hanggang tainga ang mga ngiti niya dahil sa narinig.
"Talaga? Bibigyan mo ulit ako? Syempre 'di ko tatanggihan—" Pinutol agad ni Meghan ang sinasabi ni Calyx.
"Gusto mo bago, 'di ba? Bili ka bago," aniya.
"Hahahahaha—" Bigla namang tinakpan ni Castriel ang bibig niya nang mapagtantong malakas pala masyado ang kaniyang pagkakatawa.
"Balik na raw kayo sa classroom." Lahat kami ay napalingon sa nagsalita.
Si Luke habang ang kamay ay nasa bulsa.
"Hindi pa namin naririnig 'yung bell. Ikaw, President Luke, ha. Prankster ka na porque birthday mo," pagbibiro ni Calyx na kani-kanina lang ay walang gana.
"Ah... 'yung bell ba? Papalitan pa ata kasi luma na kaya hindi tumunog," paliwanag niya.
"By the way, happy birthday, kuya!" maligayang bati ni Avianna sa kaniyang kapatid.
"Salamat," nakangiting ani Luke.
I really admire their sibling relationship. They have different personality but they still manage to understand each other. Bigla kong naisip si kuya. Kung paano siyang maging maunawain, mapagmahal, handang magpasaya at handang damayan ka kapag walang-wala ka. Sa pagkakaalam ko ay saglit lang siya rito sa Pilipinas at kailangan niya na ulit bumalik sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...