Chapter 23

167 17 3
                                    

Napapa-TGIF na lang ako dahil Friday na. Finally, weekend na after a long exhausting weekdays.

"Nakaka-miss talaga mag-lunch with you, Freya," sambit ni Alexis at hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Nako, kaunti na lang baka ako ang sumunod sa school mo," pagbibiro ni Xyrielle.

"What if... lipat tayo sa PHS?" dagdag pa ni Azalea.

"Sari-sari na kayo. Iisang school lang naman papasukan natin kapag nag-shs na tayo," saad ko.

Magkakasama kaming nagla-lunch sa fastfood restaurant na malapit sa school namin. Ang tatlo na ang nag-insist na sila ang pupunta sa akin. Silang tatlo lang dahil nahihiya pa rin si Francheska sa ginawa niya. Napatawad ko na naman siya at hindi niya rin alam na ganoon pala ang susunod na mangyayari sa akin pagkatapos ng ginawa niya. Sadyang sa aming apat ay pinakamatagal magpatawad si Xyrielle. May ugali siyang mabilis ma-attach at friendly pero once na sinira mo ang tiwala niya, matagal ka niyang mapapatawad o baka hindi ka na talaga niya mapatawad pa kahit kailan. 

Nag-picture kami sa cellphone ni Alexis para daw may mai-post naman siya sa IG na halos one month ng inactive dahil sobrang busy nila sa school projects.

"Ano ba 'yan kulang tayo--" Pinutol ni Alexis ang sasabihin nang makitang masama ang tingin ni Xyrielle. "Nakakawalang gana kumain ang pangalan na 'yan kaya huwag na huwag niyong babanggitin 'yan," aniya na may seryosong boses.

"Sorry, hehe," pagbawi na lang ni Alexis sa mga sinabi niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Azalea at napailing-iling.

"Uy, pasok na ako ha. Malapit na rin kami mag-time," paalam ko sa tatlo.

"Teka, teka, hahatid ka na namin," pag-volunteer ni Xyrielle.

"Ang mga pagkain niyo?" tanong ko. 

"Paubos na rin naman. Baka nakain kami nang maayos dito tapos ikaw e kung ano na nangyayari," sumbat niya. 

"Sweet mo talaga Mommy Xyrielle. Alam mo, kaunti na lang iki-kiss na kita," pagbibiro pa ni Alexis at tinawanan lang siya nito.

Talagang hinatid pa ako ng tatlo sa gate at nakita ako ni Grey kaya agad siyang pumunta. Naabutan niya kaming nag-uusap ng mga kaibigan ko kaya bumati siya.

Tinuro ni Xyrielle si Grey at doon ay namukhaan niya ito.  "Si idol pala 'to e!"

"Hmm... may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Naniningkit na tanong ni Azalea sa akin.

"Ano itech na pagsundo-sundo ha?" pang-aasar ni Alexis.

Tumawa na lang tuloy si Grey sa narinig niya. "Mga kaibigan kayo ni Freya sa dati niyang school, right? Nag-meet na rin tayo nung nagkaroon ng intrams dito sa amin?"

"Oo, kami 'yon. Baka naaalala mo pa 'yung tanong ko sa iyo na baka may ka-team ka na babagay sa akin. Ig-grab--"

"Ano ba 'yan, Xyrielle. Hanggang dito ang kalat ha," pagsuway ni Azalea.

"Sige na, Freya una na kami ha. Ingat!" dagdag niya pa. Nagkawayan kami bago sila tuluyang umalis para pumasok na ulit.

"Sabay na tayo umakyat ng building," pag-aya ni Grey. Pumayag na rin ako dahil same floor lang din naman ang classroom namin.

Habang naglalakad kami at may ikinukwento si Grey tungkol sa paglalaro niya ng basketball ay natanaw ko si Paige sa malayo. Nakatayo at nakasimangot na nakatingin sa aming dalawa. Tapos na ang 1 month suspension niya kaya nakabalik na siya pero bantay na bantay siya ngayon ng mga guidance councilor. Hindi na rin inirekomenda na palapitin sa akin si Paige dahil sa maaari niyang gawin sa akin lalo na kung kaming dalawa lang ang nasa isang lugar.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon