Nang dumating si Luke sa venue ay nagsimula na rin silang kamustahin ito at kausapin. Hindi ako makasali sa usapan dahil magmumukhang kinakausap ko si Luke sa ganoong paraan. Nakinig na lamang ako at pinipilit ang sarili na huwag makaramdam ng pagkailang sa pagitan naming dalawa. Ilang minuto rin iyon bago mabasag ang atensyon kay Luke.
"Guys, what if magkantahan muna tayo, 'di ba?" suhestiyon ng isa sa amin.
"Oo nga, guys! magkantahan na muna tayo," pagsang-ayon naman ng iba.
"May balak akong kantahin kaso nakalimutan ko title e," hirit ni Calyx.
"Ano na naman 'yan, Calyx?" kunwaring inis na tanong ni Fiona.
"Ano nga ba title nung ano... muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" pagkanta nito.
"Hala oo nga, ano nga ba title niyan? Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal~" pagsapaw pa ni Castriel.
Tinuloy pa ito ni Calyx at diniinan ang lyrics na, "Sayang naman ang ating nakaraan~"
Parang iba na 'to ah.
Naalala naman agad nila ang title at sinong kumanta nito. Palihim tuloy akong napatingin kay Luke noong talagang kinanta ito Calyx at Castriel sa unahan. Napaayos naman agad ako sa kinauupuan ko nang tumingin din sa akin pabalik si Luke.
Ano ba naman 'to.
Bigla kong napansin na iba na pala ang kumakanta sa harapan. Nakakapagtaka na parang 'i miss you, balik ka na' 'yung vibes ng mga kinakanta nila ngayon.
"I miss you, balik ka na!" biglang sigaw ng dating kaklase ko na parang nabasa ang nasa utak ko.
Grabeng awkwardness level 'to, pataas nang pataas.
"Guys, kung nagugutom kayo ha pwede na kayo kumuha ng pagkain," paalala naman muli ni Klyde.
Saktong nakulo na rin naman ang tiyan ko kaya tumayo na ako at kumuha ng makakain. Kukuha na sana ako ng pizza nang bigla akong napahinto.
"A-ah, ikaw muna." Inangat ni Luke ang akma niyang pagkuha rin sa slice ng pizza nang magkasabay kami.
"H-hindi, ikaw muna." Tinanggal ko muna rin ang kamay ko sa pag-akmang pagkuha.
"De, ikaw muna—"
"Feeling ko ikaw talaga nauna kaya ikaw muna—"
"Sabay na lang tayo," aniya kaya natigil kami sa pagtuturuan kung sino ang mauuna.
Nagsabay nga kaming kumuha ng pizza at talagang pinaglalaruan kami sa mga oras na 'to. Bahagyang nagkadikit ang aming mga kamay dahil ang slice ng pizza na kinukuha ko ay katabi ng slice na kinukuha niya. Nagkatinginan pa kami dahil sa nangyari pero agad din naming inalis ang aming mga kamay mula sa isa't isa. Binilisan ko na ang pagkuha ng pagkain at bumalik na sa pwesto ko. May mga bilog na lamesa sa venue at bawat table ay apat na tao ang nakaupo. Kasama ko Fiona at ang dalawa naming dating kaklaseng babae na madalas din naming kausap noong mga highschool pa kami. Kumuha na rin sila ng pagkain dahil nagugutom na rin daw sila. Sa kabilang table naman kung nasaan si Luke ay nandoon si Castriel at ang dalawa naming dating kaklaseng lalaki.
"Luke, kanta ka naman diyan oh!" sigaw nila.
"Oo nga, singerist din 'to noong highschool tayo e."
"Kaya nga swerte niligawan—"
"Calyx!"
"Ay, hehehe."
"Go, Luke!"
Tumanggi pa noong una si Luke pero napilit siya ng mga kaklase ko. Kinuha niya rin ang mic at nagsimulang kumanta. Hindi pa siya bumibigkas ng isang salita ay natayo na ang balahibo ko. Parang naririnig ko na agad ang malambot niyang boses sa tuwing kinakantahan niya ako noon. Nang magsimula na talaga siyang kumanta ay lalo pa ata akong natigilan nang marinig ang kinanta niya... isa 'yon sa mga paborito kong kanta.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...