Chapter 35

128 14 4
                                    

Freya's POV

"Sakit na ng paa ko kakamartsa."

"Pinanghahawakan ko lang naman ngayon ay dahil last day na natin 'to ng practice."

"Mas mauuna pa akong maging daing sa sobrang init kaysa makaakyat sa stage."

Samu't saring reklamo ang naririnig ko ngayon sa paligid ko. General Practice namin ngayon para sa Moving-up namin bukas.

Napakabilis talaga ng araw. Isang araw na lang ay tutuntong na kami sa stage as a Junior High School Completer.

Bago pa man kami mag-practice ay nagpapirma na rin kami ng completion form sa mga teacher namin. Hindi mapigilan ni Ma'am Reign maging emosyonal noong isa-isa kaming lumapit sa kaniya. Parang kailan lang daw ay lecture ang pinipirmahan sa amin.

By section ang pila namin. Alphabetical ang pila naming mga estudyante at section na papasok. Kailangan namin ma-practice 'to nang tuloy-tuloy lalo na sa flash mob at awit namin para sa mga magulang.

Nakailang practice na kami simula kaninang umaga at mabilis lang na natapos 'yon. Half-day lang kami kaya eleven thirty ay pinauwi na kami.

"Nakailang layer ako ng sunscreen ngayong araw. Grabeness ang inets!" reklamo ni Klyde na kausap si Avianna sa likod ko.

Katabi ko naman ngayon si Luke na sinasabayan ako maglakad. May hawak siyang bottled water na binubuksan niya ngayon. Inabot niya ito sa akin.

"Inom ka muna," alok niya.

Kinuha ko naman 'yon at uminom. Naramdaman ko rin sa wakas ang ginhawa sa tuyot kong lalamunan. Napakainit naman kasi talaga kanina. Kulang pa nga ang isang tumbler ko na naubos ko na bago matapos ang practice.

"Ang bilis, 'no? Moving-up na natin bukas," sambit ko at sinara ulit ang bote ng tubig.

"Sobra. Parang kailan lang no'ng nalaman kong ikaw pala si Icetea," aniya.

"Saan ka pala magsi-senior high?" tanong ko.

"Hindi ko pa sure kung dito pa rin ako. Ikaw? Saan ka ba? Para masundan kita," sagot niya.

"Grabe naman si classmate. Clingy masyado pati school ko for senior high susundan ako," biro ko.

"Classmate, huh? Classmate premium ba kamo?" nakangisi niyang bulong.

Tinawanan ko lang siya at bahagyang siniko.

"Frappe, you want?" bulong niya sa akin kaya napalingon ako.

"Hindi ba 'yan joke?" tanong ko pa.

"No."

"Let's grab some frappe if you want, treat ko," nakangiti niyang alok. Tumango naman ako kaagad at sumabay sa paglalakad niya.

Pagkalabas namin ng school ay nasa harap lang siya ng inaayos na part ng school namin for SHS. Another area 'yon kaya dalawa ang main gate. 'Yung isa ay for JHS at para naman sa SHS ang isa. Naka-lock pa 'yung isa at gate sa pagitan ng dalawang department sa loob dahil next school year pa 'yon pwede buksan.

Dalawang grande ang in-order namin ni Luke. Isang cookies and cream para sa akin at isang cheesecake cream para kay Luke. Naupo muna kami sa bakanteng upuan habang nag-iintay. May mga ibang estudyante rin do'n na binabati kaming dalawa lalo na si Luke. Binabati rin namin sila pabalik lalo na 'yung mga kapwa naming magmo-moving up bukas.

Nang makuha namin ang order namin ay lumabas na rin kami. Pagkatawid namin sa waiting shed ay nakita namin si Scarlett na malamlam ang mata. Papalapit siya sa amin ni Luke.

"L-Luke, Freya, pwede ko ba kayo makausap?" tanong niya.

Tinignan ko naman si Luke at seryoso lang ito. Hindi siya sumasagot kaya ako na ang tumango.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon