Chapter 18

183 19 3
                                    

Kasalukuyan akong naghahanda ngayong madaling-araw para sa aming field trip. Kailangan namin kumilos nang maaga dahil ang bus na sasakyan namin ay nag-iintay sa school.

Nagpahatid ako kina mama at kuya bago sila pumasok sa kanilang mga trabaho.

"Ingat, anak."

"Ingat kayo, sistah!"

Kumaway ako at nginitian silang dalawa. Nakita ko naman ang mga bus na nasa harapan ng aming eskuwelahan. Mas madami ang bus para sa grade 10 dahil siguro last year na namin 'to bilang junior high kaya madaming sumali. Nagtungo agad ako sa bus kung saan nakita kong kumakaway si Klyde at Avianna sa'kin. Nang makapasok ako sa loob ng bus ay tigdadalawang upuan ang bawat side nito at limang upuan sa dulo. As expected, magkatabi na agad si Avianna at Klyde. Nasa likod sina Castriel at Calyx kasama ang iba naming kaklase. Ayon, nagchichikahan na agad si Meghan at Fiona sa isang gilid.

"Dito ka na lang sa likod namin para magkakalapit pa rin tayo. Naunahan kasi kami nina Calyx sa likod, doon sana tayo," sabi ni Avianna.

"Ah, sige. Bakante rin naman dito na lang ako uupo," tugon ko.

Naupo ako sa bakanteng upuan at sa dulo pumwesto malapit sa bintana. Maganda kasi sa pakiramdam kapag malapit ka sa bintana habang nagbabyahe kayo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay puno na ang bus namin nang biglang pumasok si Ma'am Reign at nagtanong.

"Sino pang kulang? May bakante pa sa tabi ni Freya, sinong uupo ro'n?"

"Ako na lang po." Lilingon pa lang sana ako para alamin kung kaninong pamilyar na boses 'yon nang bigla ko ng makita si Luke na nakaupo na sa tabi ko.

"Kumpleto na ang lahat sa bus natin mamaya-maya lang aalis na rin tayo," anunsyo ni ma'am.

"Yown! See you Intramuros!" sigaw ni Calyx mula sa likod.

Habang nasa byahe ay may kaniya-kaniyang mundo ang mga kaklase ko. Nangunguna na riyan ang ingay ng grupo nina Calyx sa likod. May mga naririnig na rin akong nagbubukas ng snacks at ang iba ay kaniya-kaniya na ring hingi. May mga nagsa-sound trip katulad nina Meghan at Fiona. Si Klyde at Avianna naman ay palihim na tumitili na mukhang may pinapanood sa cellphone. At ako, ni hindi ko alam kung paano ako gagalaw dahil sa katabi ko. Kumakain siya at mukhang may binabasang article sa cellphone niya.

"Gusto mo?" tanong niya at inalok sa akin ang isang biscuit.

Ngumiti ako at umiling. "Busog pa ako, salamat na lang."

"Busog ka pa? Parang kanina pa tayo nasa byahe," pagtataka niya.

Bakit parang nababasa niya na talagang gutom na ako?

"Busog pa talaga ako—" Naputol ang sasabihin ko nang kumulo ang tiyan ko.

Napailing si Luke at pilit na ibinibigay ang hawak niyang biscuit.

"Alam kong magdadahilan ka na naman para tanggihan 'tong alok ko, huwag mo na ituloy." Sasabihin ko pa lang sana na may baon naman ako at 'yon na lang ang kakainin ko nang sabihin naman niya ang mga katagang iyon.

Hindi na talaga ako magtataka kapag nalaman kong kaya niyang magbasa ng isip.

Wala na akong nagawa kaya tinanggap ko na ang binibigay niya sa akin. Pamilyar ang biscuit na binigay niya dahil paborito ko 'yon noong bata ako. May ganito pa rin palang biscuit, akala ko wala na.

Bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Grey.

"Kumusta kayo diyan?" tanong niya.

"Ayos lang. Kung makatanong ka parang wala ka sa kabilang bus ah," mahina kong sabi.

Tumawa ito nang mahina. "Wala lang, napatawag lang. Sayang at 'di tayo magkasama sa iisang bus."

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon