Luke's POV
Nahanap ko na siya.
Nahanap ko na si Freya.
Pero bakit kami umabot sa ganito?
Bakit hindi ko man lang siya hinabol? Hindi ko man lang sinubukan pang lumaban. Hindi ko man lang nagawang pigilan na huwag tapusin ang meron kami.
"Kuya, don't blame yourself. Wala namang masama na piliin mo ang pangarap mo. Alam mo, honestly speaking, Freya did the right thing. Ayaw niyang i-give up mo ang pangarap mo para sa kaniya. At ikaw, you did the right thing too, kuya. Despite of what happened, pinili mo pa rin na magpatuloy. At tsaka, last na kausap ko kay Freya—" Pinutol ko kaagad ang sinasabi ni Avianna nang marinig ang pangalan niya.
Lumingon ako sa kaniya at hininto ang sinusulat ko ngayon. "Ayos lang ba siya?" malamig kong tanong.
Nakaawang pa ang bibig ng kapatid ko dahil naputol ko ang sinasabi niya pero agad din naman siyang umayos at tumango sa tanong ko.
"Last month ko pa siya nakausap nang matagalan e. Last week naman, kinumusta ko lang siya at sabi niya she's doing good," aniya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Avianna kaya nagpaalam muna siyang lalabas ng kwarto ko. "Labas na ako, kuya. Natawag si Enree e. Take a break sa pagre-review."
Tinanguan ko siya at ngumiti.
Sila pa rin ni Enree hanggang ngayon. Long distance relationship ang sitwasyon nila and still, they're doing fine as a couple. Sana gano'n din kami ni Freya.
I miss her.
Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kami. Pati connection namin ay naputol. Last na message ko sa kaniya ay kinumusta ko rin siya pero hindi siya nag-seen o nag-reply. Hindi na rin ako no'n umulit dahil baka makulitan siya at i-block pa niya ako. Nag-iintay nga rin ako minsan ng bago niyang post or story sa Facebook at Instagram niya pero wala. Inactive na siya sa social media. Hindi ko rin siya makita sa feed ng IG ng mga kaibigan niya dahil mukhang nagkalayo-layo sila. Ayoko rin naman na ipa-message siya nang ipa-message kay Avianna. Ayoko maipit at gamitin pa ang kapatid ko para do'n.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Anong totoong lagay niya? Nangungulila ako sa kaniya.
*****
Taon na ang lumipas. Nairaos ko na rin ang SHS life ko dito sa Canada. Habang nag-aaral ako ay inaayos ko ang mga dapat ayusin sa ipapamana sa akin ni lolo. Naalala ko pa noong nalaman niya na wala na kami ni Freya ay nagpaumahin pa siya at sinisisi ang sarili. Sinabi ko naman sa kaniya na wala siyang kasalanan sa kung anong nangyari sa aming dalawa. Hangga't inaayos pa niya ang para kay Avianna ay ako naman ang gumawa ng paraan para maiayos na ang hinihiling ko sa kaniya noon. Gagawa ako ng paraan para mailipat at mapalago ang negosyo niya sa Pilipinas.
Babalik ako sa Pilipinas at do'n magka-college. Sasama na rin si Avianna para magkolehiyo sa bansa. Maiiwan naman si mama at papa sa Canada habang 'di pa sila tapos sa trabaho nila doon at ang inaasikaso nila nina lolo para kay Avianna. Kay tita Rhem muna kami tutuloy pagbalik namin.
Habang nakatulala sa kisame ay naisip kong magsulat at magbalot ng regalo para kay Freya. Ipapadala ko muna sa kaniya 'yon. Ilang buwan pa bago kami makakabalik sa Pinas kaya ganito muna ang naisip ko.
Nagpunta ako sa mall at namili ng kailangan ko. Nagsulat ako ng letter for her at bumili ng necklace na may pendant na heart. Sounds cliche pero siya pa rin naman ang sinisigaw ng puso ko kaya heart na pendant ang napili ko sa kwintas na ibibigay ko sa kaniya.
I started writing...
My dearest Freya Astherielle,
As I sit here, surrounded by memories of you, my heart aches with longing. Without you by my side, every second seems to take an eternity. I find myself missing all the things that make you special—your touch, your laughter, and your presence. The world appears a bit colder and dimmer without you.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...