Nang makauwi ako sa bahay ay sa kusina agad ako nagpunta. Inilagay ni mama ang isang chocolate cupcake sa mesang kaharap ko at isang milktea na sa tingin ko ay binili niya kanina lang.
"Thank you, ma," pasasalamat ko kay mama. Nagpunta siya sa sala at tumapat sa laptop.
"Astherielle, si kuya Evess mo natawag!" Maya-maya lang ay narinig kong sigaw ni mama mula sa sala kaya dali-dali akong pumunta do'n at tumalon sa sofa.
Naka-video call kami ngayon nila kuya. "Oh kuya, kumusta diyan sa Seoul?" tanong ko. Doon kasi siya nagtatrabaho.
"Eto naghahanap ng chix," pagbibiro nito at tumawa mula sa kabilang linya.
"Talaga 'to si kuya."
"Kumusta naman ang bagong school? Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo. Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni kuya sa'kin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"May bago ka bang kaibigan sa bago mong school?" tanong nito sa'kin.
"Kakilala meron, pero 'di ko pa masasabing kaibigan," sagot ko.
Ilang oras din ang tinagal naming magkakausap nila kuya at tsaka na kami nagpaalam sa isa't isa dahil sinabi ko rin na may gagawin pa akong assignments. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako ng pantulog at nagpunta na sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng notification ko sa facebook.
Avianna Hope sent you a friend request.
Grey Clemonte sent you a friend request.
Aiden Luke Zacharia sent you a friend request.
Pinindot ko naman ang confirm botton para i-accept ang friend request nila. Pagka-accept na pagka-accept ko pa lamang sa kanila ay biglang may nag-pop up na message mula kay Grey. Nagtanong lang naman siya kung pwedeng sumabay mag-lunch at pumayag na rin ako dahil ibibigay ko pa 'yung bayad na nakalimutan ko kanina.
*****
Pagkapasok ko pa lamang sa school ay nakasalubong ko si Grey na may hawak na bola. Basketball player nga siya.
"Hey! Good morning," pagbati niya.
"Good morning too," bati ko rin pabalik.
"Mamaya sabay tayo ulit mag-lunch," paalala niya.
"Sige." Hindi na ako tumanggi at pumayag na ako, "by the way, 'yung bayad ko pala ibibigay ko na." Kinapa ko ang wallet ko at nang makapa 'to ay binuksan at kumuha ako ng pera.
"Para saan?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Kahapon. 'Di ba ikaw ang bumili ng lunch natin? Kaya babayaran kita kasi nakalimutan ko ibi—" pinutol niya ang sasabihin ko at ibinalik ang perang ibibigay ko sana sa kaniya.
"Libre ko na 'yon 'wag ka na magbayad," aniya.
"Sigurado ka? Ayokong magka-utang," paninigurado ko.
"Ano ka ba, libre ko na nga 'yon," siguradong sagot niya at pinaikot ang bola hawak niya.
"Mauna na ako? Pupunta pa ako sa gymnasium," paalam niya. Tumango ako bilang sagot.
Naiwan naman ako habang ibinabalik ko sa bag ko ang wallet ko nang biglang may bumangga sa'kin. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon na masama ang tingin sa'kin habang naka-cross arms. Maikli ang buhok nito at kulay abo ang laylayan may eyeliner din siya at naka-liptint. Naakit ako sa star choker necklace na nasa leeg niya pero nahinto 'yon nang magsalita siya.
"Wow! Transfer ka pala rito? Hmm... I just wanna ask kung nag-transfer ka lang ba para lumandi? Kasi I think gano'n 'yung dahilan mo e," sambit nito na may halong inis sa tono.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Roman pour AdolescentsPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...