Chapter 21

177 20 5
                                    

Third Person POV

"Freya, anak, pupunta muna ako sa grocery ha? Maiwan muna kita rito saglit," paalam ni Felicity sa kaniyang anak.

"Sige po, ma. Mag-iingat po kayo," paalala ng dalaga.

Nang makarating si Felicity sa pamilihan, may nakatingin sa kaniya mula sa malayo habang nakaupo sa loob ng kotse.

"Kailangan kong malaman ang totoo," bulong nito sa kaniyang sarili.

Pagpasok ni Felicity sa grocery ay nanatili lang ang isang lalaki sa loob ng kotse.

"Magawan kaya ang dalawa ng sandwich? Baka nagsasawa na 'yon sa mga binibili kong pasalubong pag-uwi," sabi ni Felicity sa kaniyang sarili.

Dumampot ang ina ng loaf breads, ham, cheese at iba pang kasangkapan na gagamitin sa paggawa nito.

Habang namimili ay nakasalubong niya si Gail na ina ni Grey.

"Felicity, nandito ka rin pala," sambit nito.

"Oo e, alam mo naman madali talagang mauubos ang stocks namin lalo na't spoiled ko ang dalawa sa pagkain," kwento naman ng ina ni Freya.

"Ay nako! Sa amin naman ay baliktad. Kulang na lang ay maabutan na ng expiration date ang mga pagkain namin doon. Gustohin man namin na pakainin nang pakainin si Grey ay binata na 'yon. Nasa stage na siya na body goals. Only child kasi e. Sundan kaya namin si Grey? May asim pa naman siguro ako, 'no?" biro ni Gail at tumawa.

"Jusko ka, Gail! Sari-sari ka na. Buti ay wala akong kinakain ngayon baka nabilaukan pa ako," reaksyon naman ni Felicity.

Patuloy pa rin sila sa kwentuhan habang naggo-grocery.

"Grabe pala ang nangyari kay Freya. Balita ko estudyante rin ang may pakana no'n? Ano bang nangyari?" tanong ng ina ng binata.

"Palaisipan pa rin sa amin kung bakit 'yon nagawa ng bata. Ang matindi pang nalaman ko ay anak ni Avirano 'yon kay Patriciana," maikling kwento ni Felicity.

"Ha? Anak ni Avirano kay Patriciana? Paige ang pangalan no'n ah. Naging girlfriend 'yan ni Grey. Grabe, bakit parang ang bait-bait niya no'ng pinakilala siya sa akin ng anak ko. Nagpasalamat pa ako at hindi siya kasing-ugali ni Patriciana," pagkumpirma ni Gail.

"Nakakaawa 'yung bata. Lumaki siya na gano'ng ugali ang ipinamulat sa kaniya ng nanay niya," saad ng nanay ni Freya.

"Sa totoo lang. Sige na, mauna na ako, ha? Iniintay na ata ako ni Melvin," paalam ng kaibigan.

"Sige, ingat ka," paalala naman ni Felicity.

Nang makaalis ang ina ni Grey ay tahimik na nagpatuloy sa pagpili ng mga bibilhin si Felicity.

Inisa-isa niya ang mga pagkain na siguradong magugustuhan ng kaniyang dalawang anak. Nang matapos magbayad ay agad siyang lumabas ng pamilihan. Tahimik lang siyang naglalakad nang mabigla siya sa kamay na dumampi sa kaniyang braso.   

"Aray!" daing niya nang maramdaman ang higpit ng kamay nito.

"Felicity, don't make me confuse. Alam mo at alam ko na anak natin si Felix at alam din nating dalawa na may nabuo pang isa makalipas ang ilang taon. Anak ko rin ba ang babaeng anak mo na kasa-kasama mo sa bahay mo?" tanong nito.

Malakas na kinalas ni Felicity ang braso niya mula sa kamay ng lalaki.

"Bitawan mo ako, Avirano!" madiin niyang utos.

Hindi natinag ang lalaki at hinawakan pa nang mas mahigpit ang kamay ni Felicity. "Sagutin mo muna ang tanong ko."

"Huwag mo na ako kwestyonin nang kwestyonin. Tapos na tayo at wala ka ng karapatan na guluhin ang pamilya ko," sabat ni Felicity.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon