Kaya ko bang manood ng competition ni Grey bukas? Kaya ko bang isigaw na kayang-kaya ni Grey ang manalo? Kaya ko bang harapin ang oras kung sakaling magtama ang paningin namin? Hays, bahala na.
Nang makauwi kami ay hindi ko maalis sa isip ko ang tanong na 'yon ni tito Melvin. Buti at binawi niya at sinabing biro lang. Gusto niya lang malaman ang reaksyon namin ni Grey dahil hindi raw kami nagsasalita o kumikibo. Akala ko seseryosohin nila ang arrange marriage na 'yon, ewan ko na lang kung saan ako magtatago.
"Bukas na pala ang competition ni Grey, anak?" tanong ni mama bago uminom ng tubig.
"P-po? Ah, opo." Para akong nabingi dahil sa tanong ko sa utak ko.
"Parang ang lalim ng iniisip mo, ah. Sige na at umakyat ka na sa kwarto mo," saad niya.
Nang makahiga ako sa higaan ko ay nakatingin lang ako sa kisame at nagsisimula na namang kuwestyonin ang sarili ko.
Bakit parang sobrang komportable ko na sa kaniya? Bakit sa tuwing iniisip ko siya hindi ko na mapigilan ang sarili ko na isipin siya? Bakit sa tuwing magkausap kami napapangiti na ako? Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong nararamdaman para sa kaniya.
*****
Nandito na kami sa gym at iniintay na lang ang pagpasok ng mga manlalaro. Sobrang dami namin dahil bukod sa estudyante ng school namin ay kasama rin namin ang estudyante ng tatlong school na magkakalaban. Nag-reserve na ako ng upuan nina Klyde at Avianna dahil nasa backstage sila ngayon.
Nag-umpisa ng magsalita ang dalawang host para sa entrance ng nga manlalaro. May muse sa unahan na siyang nagdadala ng tela na may logo ng bawat school. Hindi ako sigurado pero mukhang grade 9 ang muse ng school namin.
Kaniya-kaniya naman kaming cheer ng school namin at taas ng banner. Hindi ako masyadong sumisigaw, pumapalakpak lang ako. Nakita ko naman si Grey na parang may hinahanap sa mga nanonood at nang makita ako ay kumaway siya sa'kin. Kumaway din ako pabalik at ipinakita ang banner na ginawa namin para sa kanila na nagdulot ng mas malawak na ngiti sa kaniyang labi. Humawak pa siya sa puso niya at sinabing, "kinakabahan ako" pero sa walang boses na pamamaraan. Isinenyas ko naman ang kamay ko na parang sinabing "fighting!" at muling tinaas ang banner.
Matapos ang entrance ng lahat ng manlalaro ay nasundan 'yon ng pagkanta ng National Anthem at panalangin. Nagbigay ng maikling mensahe ang supervisor sa mga manlalaro at nasundan na 'yon ng dance performance nina Avianna.
Bawat pitik ng katawan nila, bawat kembot ng mga bewang, bawat detalye ng sayaw nila ay mapapanganga ka sa sobrang galing—a real dancer things.
"Ang gagaling ng mga dancer natin. Wala ba kayong mga kamay?" sabi ng host matapos ang performance.
Napuno ng palakpakan ang gymnasium sa sobrang galing nina Avianna.
"Let's proceed to announce the area where each sports will occur. Basketball players will remain here inside the gymnasium, soccer players will now proceed to soccer field and for the billiard players, your area is in the first floor of the main building—room 1. Volleyball and Badminton will start after lunch break, thank you."
Medyo nabawasan ang tao sa gymnasium dahil manonood siguro ang iba ng soccer or billiard. Dumating na rin si Avianna at Klyde na kapapalit lang ng mga damit.
"Jusme! Nag-emote pa si Calyx. Bakit daw hindi natin siya panoorin," daldal kaagad ni Klyde.
"Akala ko nandon sina Fiona, Meghan at Castriel para panoorin siya?" usisa ko rin.
"Oo nga, nandon 'yung tatlo. Nagbiro pa ang loko sabi ba naman sa'kin e 'Sorry eto lang ako soccer player sorry kung naistorbo ko kayo, ayos lang naman kung basketball ang panoorin niyo. Life is so unfair sana 'di na lang ako nag-soccer' loko talaga," panggagaya ni Klyde na tinawanan naman namin ni Avianna.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...