Chapter 39

108 16 5
                                    

Freya's POV

Parang gusto ko na lang ulit maging high school student. Sobrang draining ng college life, 'di naman ganito mga nakikita ko sa palabas ah.

Nakita kong may new notification akong natanggap sa cellphone ko kaya agad ko 'tong binuksan. Bumungad sa aking ang message ni Klyde na nag-aaya ng Grade 10 reunion.

Klyde: Hello, Freya! I'll conduct a grade ten reunion for us. I would like to invite you if you can come?

Freya: Hello, Klyde! Pwede malaman if kailan 'yan? Ang hectic kasi ng schedule ko, baka mapatapat e. Thank you!

Klyde: Don't worry, itatapat ko naman siya sa Sunday para available rin halos lahat. Then, follow-up ko exact location and time.

Freya: Sige, punta ako. See you!

Klyde: Thank you, Freya. See you rin!

Ilang minuto after ng conversation namin ni Klyde ay tsaka ko na-realize na baka nandoon din si Luke. Gusto ko sanang tanungin pero parang iba naman ang magiging dating. Kung si Avianna naman ang ipatatanong ko, baka iba rin ang isipin nila. Halos lahat ng mga kaklase ko ay alam na wala na kami at halos lahat din sila ay mapang-asar pa rin. Baka maging awkward sa amin dalawa kung maglalapit kami. Naka-agree na rin naman ako kay Klyde kaya ayoko na rin i-cancel. May feeling naman ako na baka wala siya since nasa ibang bansa nga siya ngayon. Huling kita ko rin sa IG story ni Avianna ay mukhang nando'n pa nga sila at namumuhay nang tahimik at maayos. Nasa likod pa si Luke sa picture at bahagyang nakangiti. I like the way he smile before, pero baka nga talaga nagbago na rin siya.

Teka nga, Freya. Maghinay-hinay ka naman. Inaya ka lang sa reunion, nag-reminisce ka na.

Naisipan ko na lamang na maglinis ng kwarto ko. Katatapos ko lang din naman mag-review para sa exam ng isang subject namin next week. Pinaltan ko ang mga punda ng unan ko at ang aking bedsheet. Sunod no'n ay inayos ko naman ang aking mga damit. In-organize ko muli ang aking mga gamit sa kwarto at tinanggal ang mga hindi ko na nagagamit at hindi na kailangan. Ang iba ay kailangan na talaga itapon at ang iba naman ay ido-donate ko na lamang. Napalingon muli ako sa kwarto ko at napatingin ako sa isang drawer kung saan nandoon ang mga bagay na galing sa isang tao...

Nilapitan ko iyon at binuksan, ang tagal na rin noong huli ko tong sinilip. Laman nito ang mga regalo at handwritten letters ni Luke sa akin. Hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa akin at bigla akong dumampot ng letters niya at binasa ko ulit ito.

Hindi na ata maipinta ng mukha ko kung anong emosyon ba dapat ang maramdaman ko. Kinikilig, napapangiti, nasasaktan, at nangungulila.

Hindi ko rin naman maitatanggi na... I really miss him.

Pero hindi naman na pwede ipilit pa ang lahat. Sigurado ako na masaya na niyang tinatahak ang buhay at pangarap niya na wala ako. Mas gugustuhin kong makita ang tagumpay niya kaysa sa mahirapan siya sa magiging sitwasyon naming dalawa noong kami pa.

Inayos ko na lang muli ang pagkakalagay ng mga ibinigay niya sa akin sa drawer na iyon. Wala akong kahit anong inalis para itapon o i-donate, mahalaga pa rin ang lahat ng 'yon sa akin...

Pagkatapos ko namang maglinis ay bumaba na ako para kumain. Pagbukas ko ng refrigerator ay homemade cupcake ko ang bumungad.

Eto na naman tayo... naaalala ko na naman kung paano ko siya gawan ng cupcake at kung paano niya kino-compliment ang mga gawa ko.

Hindi ata sa Canada nag-stay si Luke... sa utak ko ata.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag isipin ang mga bagay-bagay na tungkol sa kaniya. Inisip ko na lang lahat ng ni-review ko kanina.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon