Chapter 15

190 19 11
                                    

Third Person POV

"Mukhang sa SSG office nagpunta si Grey," sabi ni Enree sa mga kasama.

"Sundan natin?" tanong naman ni Calyx.

"No need, makikibalita na lang ako sa kuya ko," awat ni Avianna sa kanila.

"Ayan na pala si Grey," biglang sabi ni Castriel at itinuro ang papalapit na si Grey.

"Anong nangyari?" tanong ni Klyde at humakbang nang kaunti para marinig ang isasagot ni Grey.

"May sira daw 'yung CCTV sa bandang gate na malapit sa bodega at hindi na namin maayos. Pero 'yung CCTV sa tapat ng bodega ay nakita pa namin. Nahagip pa nga si Scarlett na nagpapaikot ng towel bago lumabas 'yung suspect," seryosong kwento nito.

"Anong ginagawa ni Scarlett do'n?" tanong ni Fiona.

"Hindi namin alam. Ewan ko ba kung bakit siya napagbintangang mastermind ng ibang SSG doon. Baka raw kaya dumadaan doon habang nagpapaikot ng bimpo ay dahil nagbibigay daw ng senyas sa suspect bago pumasok. Ang non-sense, 'di ba?" Naupo si Grey sa pabilog na upuan at isinandal ang siko sa pabilog na lamesa na nasa harap nila.

"Hindi niya magagawa 'yon. Alam niyang madudungisan ang pangalan niya na lalong-lalo na dahil SSG secretary siya," pagtatanggol ni Avianna. 

"At tsaka isa pa, pinsan ko si Scarlett. Alam kong hindi siya gagawa nang gano'ng bagay," sabat din ni Castriel.

Naupo rin si Klyde sa harap ni Grey at nagtanong. "Anong reaksyon ni Scarlett? 'Di ba nandoon din siya?"

Pinag-cross ni Grey ang braso at sabay na inilapag sa mesa. "Lumabas siya at nagpunta sa Principal's office noong time na 'yon kaya hindi niya alam na napag-usapan siya."

"May tanong ako," biglang seryosong pagsingit ni Calyx sa usapan, kaya napalingon ang lahat.

"Ano?" sabay-sabay nilang tanong habang inaabangan ang susunod na sasabihin ng lalaki.

"Ay! Kailangan sabay-sabay? Mala-choir, gano'n?" biro pa nito, "pero hindi nga? Totoong pinsan mo si Scarlett, Castriel? Alam ko na magpinsan kayo pero bakit ang layo?"

"Ewan ko sa'yo, Calyx," inis na sabi ni Castriel.

"Be serious, Calyx," mahinahong sabi ni Meghan na kanina pa tahimik.

"Malalaman lang kung may mastermind ang kaso na iyon ay kapag nahanap natin ang suspect," saad ni Enree.

Tumingin si Grey kay Enree. "We have to find him."

*****

"Lilipat ka ba ng school, anak?" tanong ni Felicity sa anak niyang nakaupo sa higaan habang kumakain.

"Hindi na po, ma. Papalipasin ko muna po nang ilang araw bago ako pumasok," sagot ni Freya bago muling sumubo ng isang kutsarang pagkain.

"Huwag ka mag-alala, ako ang maghahatid-sundo sa'yo. Magpapaalam na lang ako sa trabaho ko na umalis saglit para sunduin ka maiintindihan nila 'yon," sabi naman ng kuya niyang si Felix.  

"Ayos lang, kuya. Kaya ko na naman sarili ko. Baka makaabala pa ako sa trabaho mo. Turuan mo na lang ako mag-self defense," nakangiting aniya. 

"Delikado pa rin, anak. Wala kang kasama lalo na kapag pagabi ka na umuuwi," nag-aalalang sambit ng kaniyang ina.

"Promise po, ma. Kaya ko na 'to. Katulad ng sinabi ni kuya, kailangan kong maging mas malakas. Para saan pa po na Astherielle ang pangalan ko na may meaning na happiness or blessing kung puro sakit ng ulo ang dala ko sa inyo. Ako lang 'to!" pagmamalaki ng Freya.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon