Chapter 27

179 20 4
                                    

I received a message from Grey. Gusto niya raw akong makita sa restaurant nila dahil may gusto siyang sabihin. I do not have any heavy feelings this time. Siguro, it is just a friendly talk between us.

Nang pumasok ako sa restaurant ng lolo niya kung saan niya rin ako dinala dati ay ganoon pa rin ang ambiance. Their guard, waitress, and janitor greeted me nicely.

"It's nice to see you here po ulit, Ma'am Freya." Nginitian niya ako nang makasalubong ako. Bumati rin ako pabalik at nginitian sila.

Nang makita kong nakaupo na si Grey, lumapit na rin ako sa pwesto niya. "Grey," pagtawag ko sa kaniya bago ako umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Nandiyan ka na pala, hindi kita namalayan," aniya at tinawag ang isang waitress. Nagtanungan muna kami kung anong o-order-in namin. Nang makaalis ang waitress ay nagsimula na rin kaming mag-usap.

"Nagulat ka siguro nang bigla na lang akong mag-aya basta-basta without telling you the reason." Tumawa siya nang bahagya bago ipatong ang magkahawak niyang kamay sa mesa.

"I just want a proper closure. Parang hindi pa kasi sapat 'yung pag-uusap natin sa chat, specially nanliligaw na sa'yo si Luke." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Alam agad nila?

"You look surprised." He chuckled. "Nakwento lang din sa akin ni Enree," dagdag niya.

Tumawa rin ako nang medyo nakakailang. "Ang bilis naman ng sagap," biro ko.

"You're so lucky if you two will be together." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Doon pa lang sa part na hindi niya niri-reciprocate 'yung feelings ni Scarlett, iba na. Most students sa PHS shini-ship na sila, but Luke still waiting her first love and surprisingly, ikaw pala 'yon."

"Honestly, ang tagal din nung proseso bago ko matanggap na I am no longer have a chance to be yours, but I didn't even hate you or curse you in a certain way. Siguro nga tayo 'yung pinagtagpo pero hindi itinadhana." He chuckled slightly again. "I just think that you're too precious to the point that you deserve someone better. But... I really want to thank you that I met you. This is one of my ligaw or manliligaw phase that I will always be thanked for. Eto siguro 'yung lesson sa akin na hindi lahat ng gusto ko ay aayon sa akin. We have a different paths anyway, Freya..." Huminga siya nang malalim bago ulit magsalita. "We will be still friends ha? After ng mga nangyari." I nodded and smiled. "Oo naman. We're still friends."

"Anong next song?"

"Boom tarat tarat."

"Budots naman!"

"Touch by touch, tutal mga naka-tito outfit naman tayong mga boys."

"Si Calyx daw ang instructor kung touch by touch!"

Napuno ng ingay ang room namin habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula, nangangalhati na 'yung shanghai."

"Ayusin niyo na ang videoke, bibirit na ako!"

Nagkatinginan na lang kami ni Meghan sa at tinawanan sila. Iniintay na lang namin si Ma'am Reign bago kami magsimula.

"Guys, andiyan na pala si Ma'am. Turn on the music na!"

Katulad nga ng sinabi, nagpatugtog na sila ng mga Christmas songs. Nag-start na rin kaming maglaro ng kung ano-ano.

"Let's play paper dance na guys. Dapat kasali ang lahat kay Ma'am daw manggagaling 'yung prize," sabi ni Avianna.

"Game si Ma'am diyan. 'Yung pair na mananalo ay may tig-500 sa akin."

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon