Chapter 28

159 18 5
                                    

Third Person POV

"How are you now, anak?" tanong ni Patriciana sa anak niyang tahimik na kumakain sa tabi niya.

Magkakasama sa hapag-kainan ang mag-anak na Avirano, Patriciana at Paige.

"I'm good naman, mom," malumanay na sagot ng anak. Sumubo muna siya ng isa bago inilapag ang kutsara sa kaniyang pinggan at tumayo. "Wala na po akong ganang kumain. Papasok na ako sa kwarto," paalam nito.

"Paige Avery!" pagtawag pa ng ina pero hindi na lumingon ang anak niya at dire-diretsong umaakyat papunta sa kwarto niya.

"Masyadong obsessed sa lalaking 'yon at ayaw na lang humanap ng ibang lalaki diyan," bulong ni Patriciana.

"Hayaan mo na at hindi pa nakaka-move on 'yan kaya ganiyan," sabat naman ng asawa niyang si Avirano.

"Okay, I get it. Pero, she can pull anyone that she wants. Hindi 'yung naghahabol pa siya sa ayaw sa kaniya," galit na sambit nito habang umiiling-iling dahil sa frustration.

"Let your daughter take her time. Titigil din 'yan maghabol," sabi ng lalaki.

"Whatever," bulong naman ng asawang babae.

Nagpatuloy sila sa pagkain nang tahimik nang biglang magtanong si Patriciana. "Sa pasko, saan tayo?" Napatingin at tigil sa pagkain si Avirano dahil may iba siyang naiisip.

"Wala ako dito sa pasko," aniya at nagpatuloy kumain.

"Do you still have a pending works that time? Busy ka ba sa work?" tanong nito at umiling lang si Avirano.

"E bakit wala ka?"

"I want to spend my Christmas with my son and daughter, Felix and Freya-" Biglang kinalabog ni Patriciana ang mesa at pinutol ang sinasabi ng lalaki.

"Your children with Felicity are disowning you! Bakit isinisiksik mo pa rin ang sarili mo sa kanila?!" bulyaw nito.

"Gusto ko makabawi sa simpleng--"

"Gusto mo makabawi sa mga anak mo o doon sa nanay nila? Alam mo Avirano, napapansin na kita e. Simula noong nalaman mo lang na ang dalawang 'yon ay anak mo, nagkakaganiyan ka na," sunod-sunod na sabi nito.

"Patriciana, anak ko pa rin ang mga 'yon. Ano bang pinagsasasabi mo at nadadamay pa si Felicity dito?" tanong nito.

"Huwag ka na nga magpaligoy-ligoy at aminin mo na lang na si Felicity ang dadayuhin mo-"

Tumayo at kinalampag ni Avirano ang mesa. "Manahimik ka nga, Patriciana!" sigaw ng lalaking asawa at umalis sa harap ng babae. Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos layasan ng kaniyang asawa.

Nanggigil ang babae at bumulong sa kaniyang sarili. "Hindi magiging masaya ang pasko ng mag-anak mo kay Felicity, sinasabi ko sa'yo."

---

"How's your panliligaw, anak?" kinikilig-kilig na tanong ng nanay ni Luke sa kaniya.

"Ayos lang po, ma," nakangiting sagot nito.

"Kitang-kita ko nga po 'yan mag-the moves," sabat ni Avianna at binigyan ng nakakalokong tingin ang kuya.

"Dalaga't binata na talaga ang mga anak natin. Si Avianna may boyfriend na, si Luke naman may nililigawan na. 'Di na talaga ako magugulat kapag may mga batang nagmamano na sa akin," biro naman ng tatay nila at tumawa.

"Parang kalian lang nga, Avianna is such a crybaby pa. Pati studies ng kuya niya noon e na-adjust para lang maging magka-same grade lang sila kasi she can't do anything at school daw without her only kuya," dagdag naman ng nanay nila.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon