Chapter 14

191 16 2
                                    

Third Person POV

Pasakay na sana ng kotse si Luke nang mapagtantong tama nga si Freya na magpunta sa bilihan para mamili ng mga gagamitin bukas. Kung uuwi siya at aalis muli ay masasayang lang ang oras niya magpaikot-ikot.

"Ikaw na lang muna ang umuwi," aniya sa kaniyang kapatid.

Nahinto sa pagbukas ng pinto ang babae at tinanong ang nakatatandang kapatid. "Bakit? May biglaang meeting ba ulit ang mga SSG? Napapadalas ata meeting niyo."

"Hindi, pupunta na rin ako pamilihan para hindi na ako magpabalik-balik," sagot ni Luke.

"Ah, okay. Bukas na 'yong sa akin maaga na lang ako papasok tinatamad pa ako ngayon e. Bili mo na lang ako ng ice cream," parang bata hiling pa ni Avianna sa kuya niya.

"Akin na pambili mo."

"Korni, libre mo nga e."

"Ge bye ingat," nagtatampong paalam ng babae at natawa na lang ang kuya niya.

Nang makaalis si Avianna ay muling pumasok si Luke sa eskuwelahan at balak niya ring dumaan sa kabilang gate ng school dahil mas malapit kung doon siya dadaan.

Napansin niya ang kalabugan sa bodega. Nagtaka ito at lumapit sa bodega para siguraduhin kung may narinig ba talaga siya. Hindi siya nagkamali dahil may narinig siyang sumigaw kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto at nakita niya ang isang lalaki at si Freya.

Tinadyakan niya ang lalaki kaya natumba ito pero agad itong tumakbo at hindi na niya nahabol. Hindi siya mapakali kung paano papagaanin ang loob ni Freya kaya nagulat na lang siya nang yakapin siya ng dalaga.

Ngumiti siya nang bahagya at doon niya naramdaman na ligtas na si Freya dahil sa presensya niya.

*****

Nagmumukmok ngayon si Freya sa sulok ng kaniyang kwarto at yapos-yapos ang sarili. Panay pa rin ang iyak at hindi maalis sa kaniyang isip ang nangyari kahapon. Napagdesisyunan niyang hindi muna um-attend ng kanilang klase dahil hindi pa siya handang lumabas at makisalamuha sa ibang tao maliban sa kaniyang pamilya.

"Freya, papasok ako ha?" mahinahong saad ng kaniyang ina bago buksan ang pinto ng kaniyang kwarto.

May bitbit na pagkain ang kaniyang ina at inilapag ito sa kaniyang bedside table. Umupo ito sa tabi ng kaniyang anak na hindi matigil ang pag-iyak. Sumunod na pumasok ang kaniyang kuya na may bitbit ding plato na may lamang handmade pizza.

"Tignan mo, Freya. Gumawa ako ng pizza, hindi 'to sunog ah. Maganda nga raw ang lasa sabi ni mama. Kumain ka na kung ayaw mong magalit ang kuya mong Jollibee—bida-bida," pilit na pagpapasaya ng kuya niyang si Felix na pagod galing sa trabaho.

"Anak, kumain ka kahit kaunti man lang. Ayaw namin na pati ang kalusugan mo ay maapektuhan," sabi ni Felicity.

"M-ma, kuya, bakit kailangan kong maranasan 'to?" nangingiyak na tanong ng dalaga habang yakap-yakap pa rin ang sariling tulala sa kawalan. 

Nagkatinginan ang ina at kapatid niya dahil sa tanong nito. Maging sila ay hindi maitago ang lungkot dahil sa sinapit ni Freya.

"Gusto mo bang ilipat ka ulit namin sa panibagong School? Sabihin mo lang sa amin ng kuya mo," tanong ng kaniyang ina.

Humarap ito sa kanila na mugto na ang mga mata dahil sa hindi nito pagtigil sa pag-iyak. "S-sa bawat pagtakas ko po, patuloy nila akong hinahabol."

"K-kung sila po ay hindi napapagod kakahabol sa akin, ako po pagod na pagod na taguan at takbuhan ang mga ganitong ganap sa buhay ko." Tumulo ang luha ni Felix at Felicity sa sinabi ng dalaga.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon