Chapter 37

121 16 3
                                    

I want him to achieve his dream.

Madami na siyang pinagdaanan at ginawa para sa future niya kaya sino ako para pigilan ang mga ‘yon?

Habang nakaupo sa gilid ng aking kama ay kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa table ko. Hinanap ko kaagad ang conversation ni Luke at nag-message sa kaniya.

Freya: Luke

Freya: Are you busy rn?

Minuto lang ang agwat bago siya makapag-reply.

Luke: Slr, love.

Luke: I helped Avianna to clean her room.

Luke: I’m free na today. What is it po?

Luke: Miss mo ba ako kaagad?

Luke: Kahit ako, miss na kita.

Luke: 1 week na pala tayong hindi nagkikita, nangungulila na tuloy ako :<

Kung noon ay napapangiti ako sa bawat reply niya, ngayon ay parang ang bigat ng mga sinasabi niya.

I will miss him so much.

Freya: Let’s meet

Freya: At picnic park

Luke: Bakit po let’s meet? I will pick you up naman :<

Freya: Okay

Luke: Are you okay, love? Is there something bothering you? I will bring your favorite foods, don’t worry po.

Freya: No, I’m okay naman. Huwag ka na magdala ng pagkain, I just want to go outside and see you :>

For the last time…

Luke: Okie, wait for me.

Nag-intay ako sa labas ng bahay namin. Nagpaalam ako kay mama at pumayag naman agad siya.

Wala pa akong pinagsasabihan sa gagawin kong 'to.

Kaya ang bigat-bigat.

"Hi, love," nakangiting bati ni Luke sa akin at bumaba ng sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay sa tabi niya. Pinagmamasdan ko lang siya magmaneho. Pinagmamasdan ko ang mukha niya. Sinasaulo ko ang bawat detalye nito.

"Luke, drive safely after this, ha?" sambit ko.

Lumingon siya nang takang-taka pero nagawa pa rin ang ngumiti. "I always will, love. Sinisiguro ko rin ang safety mo."

"Protect yourself too, hindi palaging ako lang," sabi ko na pinipilit pa rin umakto nang normal.

"Noted po, love," sagot niya na nagbigay pa ng saludo.

Nang makarating kami do'n ay walang katao-tao. Pumunta kami sa pwesto namin palagi. Kitang-kita do'n ang malinis na ilog. Nasa ilalim kami ng isang puno at nakatanaw sa malayo.

"Luke..." pagtawag ko na hindi lumilingon sa kaniya.

"Hmm?"

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa ibang babae—"

"Hindi," sagot niya agad.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang noo niyang nakakunot. Tumawa ako nang marahan para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Love, bakit ka ba nagtatanong ng ganiyan? Nangulila nga ako sa'yo sa isang buong linggo, tapos gaganyanin mo pa ako," malambing niyang sambit at isinandal ang ulo sa balikat ko.

Tumawa muli ako. "I'm just asking."

"Mahal kita araw-araw, Freya. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa iba kung 'di sa'yo lang. Ikaw lang palagi," bulong niya habang nakasandal pa rin sa akin.

"Luke..." mahina kong pagtawag.

Inalis niya ang pagkakasandal niya sa akin at humarap. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Pinilit ko pa rin ang ngumiti pero nararamdaman ko ang mainit na likido na gustong kumawala sa aking mga mata.

Pinikit ko ang aking mga mata at unti-unting inilapit ang aking mukha patungo sa kaniya. Hinalikan ko ang gilid ng labi niya sa loob ng ilang segundo. Ramdam ko ang gulat sa kaniya. Matapos no'n ay niyakap ko siya nang mahigpit. Naramdaman ko ang mga kamay niyang humahagod sa aking likod.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon