Chapter 19

213 22 13
                                    

"Bukas, ha? Kita-kits na lang," huling sabi ni Alexis bago ibaba ang tawag.

Salamat naman at weekend na. Kailan lang nangyari ang fieldtrip namin at confession ni Grey sa akin. I was shocked that time. It literally stocked in my head and it brought curiosity to me. Parang bago mangyari 'yon nabanggit pa ni Luke na I'm the type of ideal girl. Hindi ko rin nababanggit pa ang tungkol dito kahit kanino.

Thanks to my friends who invited me to hang-out. At least, mabawasan man lang ang isipin kong 'to. Kung para sa iba ay madali lang 'to, sa'kin ay hindi. This is my first time receiving a confession from a guy.

"Bukas ba kayo maggagala, anak?" tanong ni mama sa akin.

"Opo, ma," sagot ko at naupo sa tabi niya.

"Mag-ingat kayo," aniya.

"Ma, kanina niyo pa po sinasabi 'yan," sambit ko at tumawa.

"Nagpapaalala lang, anak. Pwede ko naman kayo ipahatig sa kuya Evess mo," suhestiyon niya pa.

"Kuya na po ni Azalea ang maghahatid sa amin. Nakakahiya naman po kung bigla naming tanggihan," sambit ko pa.

"Sabagay. Basta mag-iingat kayo, ha?" paalala niya muli.

Tumawa ako nang marahan at hinawakan ang kamay niya. "Opo, ma. Kaya ko na po ito. Para naman pong beybing-baby niyo ko."

"Ang bibilis niyo kasing lumaki ng kuya mo. Parang kailan lang nagtatakbuhan pa kayo hanggang madapa." Nagtawanan kami nang ikwento 'yon ni mama.

"How was it, mama?" I asked.

Nangunot ang noo ni mama na parang nagtatanong. "Ang alin?" she finally asked.

"Pagpapalaki niyo po sa amin? Ilang taon din po iyon at tsaka ikaw lang po no'n mag-isa. May time po ba na sumuko na kayo? Sinisi niyo po ba kami kung bakit nahihirapan po kayo?" pagbuo ko sa tanong ko.

"Kahit kailan wala akong pinagsisihan. Mas magsisi siguro kung hinayaan ko lang kayo na lumaki sa puder ng iba. Syempre, hindi ko itatanggi na mahirap magpalaki ng bata. Nahirapan din ako noon kasi iniisip ko kung saan ako kukuha ng ipapakain sa inyo at perang ilalaan para sa pangangailangan niyo. Gusto kong magtrabaho noon kaso maiiwan ko kayo. Ayoko namang iwan lang kayo sa mga kamag-anak natin dahil bukod sa nakakahiya, madadagdagan ko rin ang mga responsibilidad nila na dapat sa akin. Sa totoo lang, ayos lang naman daw sa kanila pero iniisip ko rin na posibleng lumayo ang mga loob niyo sa akin kaya 'wag na lang. Buti na lang at tinulungan nila ako pampinansyal. Kaya ngayon na nakakapagtrabaho na ako, If I'm capable to give something or money to them, binibigay ko," mahaba niyang kwento.

"You're the best mom for me, mama," sabi ko at ibinuka ang dalawang braso para yumakap.

"Syempre ako lang naman ang mama mo. May iba pa ba?" pagbibiro niya at yumakap.

I am a teenager now, but I can't imagine taking away my sweet side of mine whenever I'm with her. She deserved this kind of love after of what she have done for us.

*****

"Omg Freya! Human po, ding dong!" Napailing na lang ako nang marinig ang boses ni Xyrielle sa labas ng aming bahay.

Maging si kuya at mama ay narinig kong tumawa.

"Ano kayang nilalaklak niyan at sobrang hyper," bulong ni kuya habang ang atensyon ay nasa laptop.

Dumiretso ako sa gate para pagbuksan siya at kasama niya na rin pala sina Azalea, Alexis, at Francheska na nakayuko.

"Ready na ako papaalam lang ako kila mama at kuya," saad ko.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon