Chapter 34

149 16 9
                                    

Third Person POV

"L-luke, nandito ka pala. Wala na tayong project ngayon, 'di ba?" gulat na tanong ni Scarlett nang makita si Luke na nakaupo sa loob ng SSG office. Tanging ingay lang ng aircon ang naririnig dahil kulob sa lugar na 'yon.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" malamig lang na tanong pabalik ni Luke.

"Gusto ko lang sana na dito magsulat ng mga hahabulin kong notes. Ayoko kasi sa classroom feeling ko madi-distract ako," sagot naman ng babae.

"Scarlett, can we talk about something?" dagdag ni Luke.

"Sure, ano ba 'yon?" nakangiting tanong ni Scarlett at naupo sa bakanteng upuan.

"Scarlett, do you still like me?"

Nagkuyom ang kamao ng babae at nanlaki ang mga mata. Umiwas siya agad ng tingin mula sa lalaki at umakto muli ng normal. "W-what? Ano bang klaseng tanong 'yan, Luke."

"Hindi ako pumunta lang dito para makipagbiruan. I'm trying to fix something, so just tell me the truth," madiin pa ring bigkas ng lalaki.

Bumuntong hininga ang dalaga at tumingin ng diretso sa mga mata ni Luke.

"Is she jealous? That's why you're suddenly acting like this?" seryoso niyang mga bitaw sa salita.

"No."

"Then why—"

"I don't want her to be jealous. Aantayin ko pa ba siyang magselos bago ko ayusin 'to? She doesn't deserve to sleep with heavy heart."

"Ano bang inaayos mo?" tanong ng dalaga na nagtitimpi ng inis.

"Between us, Scarlett. I told you, you're just a friend of mine."

Napalunok sa sariling laway si Scarlett sa mga sinasabi ngayon ni Luke sa harapan niya. Napaawang ang kan'yang labi at napapikit. Humugot ito nang malalim na hininga bago magsalita. "Oo, Luke. Gusto pa rin kita. Ano namang kaso do'n? Inaagaw ba kita sa kaniya?"

"You're making her uncomfortable," kalmado pa ring sambit ni Luke.

"That's never be my problem. Kasalanan ko ba na gano'n ang nararamdaman niya e wala naman akong ibang ginagawa?"

"Then, what about those questions that you were asking me about confessing to someone? Ako ba 'yon?"

"Oo, ikaw 'yon—"

"Look what have you done, Scarlett. Girlfriend ko na si Freya no'n, but still—gano'n pa rin pala ang iniisip mo? Akala ko ay iba na ang tinutukoy mo no'ng mga oras na 'yon kaya hindi ko naisip na your action towards me will affect my girl."

Napatayo si Scarlet sa kinauupuan niya at tinitigan ulit ang binata. "Luke, I didn't know. Pagkatapos kong sabihin sa'yo 'yon ay tsaka ko lang nalaman na kayo na pala ng babaeng 'yon—"

Tumayo na rin si Luke at pinutol ang sinasabi ng babae. "Anong gusto mong iparating nang sabihin mo sa kaniya na magkatabi tayo matulog noong birthday mo?"

"Bakit? Ano bang masama do'n e totoo naman. Problema niya na 'yon kung may iniisip pa siyang iba! Hindi ko nga alam na siya ang tumawag e—

"Hindi mo alam? Imposibleng hindi mo alam, Scarlett. May pangalan si Freya, may pangalan sa phone call at imposibleng hindi mo nabasa 'yon."

"Fine! Alam ko na siya 'yon. E ano naman no'ng sabihin ko na magkatabi tayo habang natutulog? Wala naman tayong ginawang masama, ha? Nag-iisip ba siya nang iba pa? Wala ba siyang tiwala sa'yo? Hindi ko nga rin alam sa'yo kung bakit mo nagustuhan 'yan si Freya. I'm here all the time. Pipili ka na nga lang ng babae, si Freya pa. Baka nga magkatulad lang sila ni Paige e. 'Di ba magkapatid sila? Baka lumandi rin 'yan sa iba habang kayo pa—"

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon