Chapter 24

142 19 5
                                    

It's been a month at naging awkward kami ni Grey sa isa't isa after what happened. Kung magkakasalubong man kami ay saglitang ngiti lang sa bawat isa at patuloy na ulit sa paglakad.

"Uy, anong nangyari sa inyo ni papi Grey?" tanong ni Klyde na kakasulpot lang sa tabi ko kaya sabay na kami ngayong naglalakad sa hallway.

"Oo nga, tahimik daw these days si Grey sabi ni Enree sa akin," sabi naman ni Avianna na ngayon ay nasa kabilang gilid ko rin. Hindi ko alam kung saan sila mga galing at gano'n-gano'n na lang ang pagsulpot nila sa tabi ko.

"Ah, wala naman. Nagkausap lang before about something--"

"Anong something?" Hinampas ni Avianna si Klyde at sinamaan ng tingin. "Huwag mo na tanungin kung ano 'yon. Napakachismosa mo."

"Pero kung ano man 'yan, Freya. Sana ayos pa rin kayo ha? Baka mamaya nabalitaan namin nagsisigawan na kayo sa ground floor—"

"Ikaw naman napaka-OA mo," sabat naman ni Klyde.

Natawa na lang ako sa kanila hanggang makapunta kami sa classroom ay nagbabangayan sila.

"Guys! G ba kayo mamaya mall tayo after class then sagot ko na rin ang foods," biglang sigaw ni Klyde.

"Jusko, g na g!"

"Ayan ang gusto ko!"

"Game game game!"

Halos lahat kami ay pumayag na since mga wala naman kami homeworks at project na malapit na ang deadline kaya nagsisamahan na kami.

Para kaming mga batang maiingay at kagugulong nagsama-sama na nag-aabang na ng bus para magpunta sa mall. Nagpaalam na rin ako kay mama bago sumama. Nasa likod ako at tahimik lang habang sila ay nagdadaldalan. Biglang lumapit sa akin si Luke at nagtanong.

"Kumusta ang school? Sunod-sunod kang naging leader noong mga nakaraang group activity," aniya.

"Ayos naman. Lahat naman ng member ko ay naki-cooperate. Section Orion 'yan e," sagot ko.

"E, ikaw? President ka ng org, president ka pa ng classroom natin tapos leader ka rin lagi sa mga group activity. Kumusta?" tanong ko rin pabalik.

"Ayos naman kinakaya ko pa. Ganito talaga ang lakas na meron ka kapag may inspirasyon ka na," sagot niya.

"Wow! Hindi na ako magtataka kung si Scarlett 'yan," nakangisi ko pang sabi. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita.

Halos araw-araw din silang magkasama ni Scarlett dahil parehas silang SSG. Dagdag mo pa na may gusto raw si Scarlett sa kaniya. They look good together naman kaya 'di na ako magtataka kung siya nga ang tinutukoy ni Luke. Iba ang ngiti niya lalo na noong binanggit ko ang pangalan ni Scarlet.

Nagsisakayan na kami sa bus nang may dumaan. Inuna naming kumain at katulad nga ng sinabi ni Klyde ay sagot niya kami. Hanga rin ako rito kay Klyde. Napakagalante sa kahit anong bagay. Kaunti na lang, iisipin ko talagang unlimited ang pera niya.

Matapos namin kumain ay nagsipuntahan naman kami sa arcade. Sakop namin ang buong arcade dahil ang buong klase ay kasama namin. Habang naglalaro sila ay nag-excuse muna ako at pupunta lang ako sa likod ng mall malapit sa parking lot dahil tumatawag si mama. Buti at malapit lang ang labasan doon kaya nakapunta ako agad.

Nang matapos ang usapan namin ni mama at babalik na sana ako sa loob nang may nakaharang na isang lalaki sa harap ko. Nang tignan ko kung sino ito ay namukhaan ko agad siya.

"Freya, anak..."

Si papa.

"P-pa," pagtawag ko na naiilang pa.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon