Chapter 7

252 17 0
                                    

Third Person POV

Seryosong nagkikinig ang section Orion sa gurong nagtuturo sa kanila sa huling asignatura nila para sa morning class.

"Thank you for today. Class dismissed." Nang banggitin ng kanilang guro ang katanggang iyon ay nagkaniya-kaniya silang takbo papunta sa lunch.

Dahil overtime ang klase nila, sila ang huling section na nakapila sa canteen.

"Freya!" pagtawag ni Grey kay Freya nang makatuntong siya sa pintuan ng canteen.

Nasa likod lamang ni Freya si Avianna kaya sumabay na siya kay Freya para maupo kung nasaan si Grey.

"Hindi mo kasama si Enree?" tanong ni Avianna habang hinihila ang upuan na kaniyang uupuan.

"Actually, siya 'yung nakapila para bumili ng lunch para sa'ting apat," sagot ni Grey.

Maya-maya lang ay tumayo si Grey nang tawagin siya ni Enree para tulungan sa pagbitbit ng kaniyang mga binili. Inilapag ni Grey sa harap niya ang pagkain niya at inilapag sa harap ni Freya ang pagkaing binili niya para sa kaniya. Gano'n din ang ginawa ni Enree sa sarili niya at kay Avianna. Pagkatapos, ay sabay-sabay silang kumain.

"Kumusta pagpa-practice niyo?" tanong ni Avianna sa dalawa.

"Ayos lang, mosh," sagot ni Enree habang puno ng pagkain ang bunganga niya.

Tumawa si Grey nang mahina upang hindi maagaw ang atensyon ng ibang kumakain at tinanong si Enree. "Ano? Mosh? Parang kailan lang tinatawag mong 'babe' si Avianna tapos ngayon iba na naman?"

Hinampas ni Avianna ang braso ni Enree kaya namula ito. "Ikaw ha! Nakakapansin na ako sa'yo. May kabit ka siguro at tinatawag mong mosh, ano?"

Nilunok muna ng buong-buo ni Enree ang pagkain niya bago siya magsalita. "Alam mo, masyado na kasing common 'yung 'babe' na callsign kaya naghanap ako ng iba at 'mosh' ang nagustuhan ko. Alam mo ba, 'my only sweet heart' ang ibig-sabihin niyan. 'Di ba ang cute pakinggan?"

"Cute mo mukha mo!" singhal ni Avianna.

Sa kabilang sulok ng canteen ay may babaeng masama ang tingin sa kanila habang kumakain. Tinuro niya si Freya gamit ang tinidor na hawak niya at pinaikot-ikot ito na parang magic wand.

"Wala na ba talaga siyang malandi sa dati niyang school kaya siya nagpalipat dito? Minsan, napapaisip na lang ako kung may gayuma ba siyang ibinigay kay Grey. Tsk!" bulong nito at pinanggigilan durog-durugin ang kinakain niya gamit ang tinidor.

"Dapat sa'yo, tinuturuan ng leksyon!" bulong pero nanggigil niyang dagdag.

*****

"Lunch niyo naman, 'di ba?" tanong ni Grey kay Freya habang naglalakad palayo sa canteen.

"Oo, bakit?" sagot ni Freya at huminto muna sa paglalakad ang apat.

"Gusto niyo manood ng practice namin?" tanong muli ng lalaki.

Tumalon si Avianna mula sa tabi ni Enree papunta sa tabi ni Freya at ipinulupot ang kamay sa braso ng babae.

"Oo naman sasama kami, 'di ba Freya?" sagot niya. Tumango at ngumiti na lamang si Freya bilang pagsang-ayon.

Sabay-sabay silang nagpunta sa gymnasium. Si Avianna ang naghanap ng pwesto para sa kanila ni Freya. Napili niya sa bandang unahan para kitang-kita ang mga maglalaro.

"Dapat sa competition nila gumawa tayo ng banner. Inform ko si Klyde, alam kong bet niya ang mga ganitong pakulo," sabi ni Avianna.

"Kailan ba?" tanong ni Freya.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon