Chapter 22

148 15 3
                                    

Freya's POV

Para akong ibon na nakulong sa hawla. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipipinta ko sa mukha ko matapos ko marinig ang lahat. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa sagot nila matapos kong mag-iwan ng gano'ng tanong sa kanila.

-

"A-anak, nandiyan ka pala, halika't kumain ka muna. Sakto at kauuwi ko lang. May dala akong pagkain para sa'yo," agad na sambit ni mama.

"Teka lang po, ma. May tinatanong pa po ako. Tatay ko po ba ang lalaking iyon?" muli kong banggit.

"H-ha? Anong tatay? Nag-uusap lang kami ni mama tungkol sa pinanood namin kanina." Bakas sa mukha ni kuya ang gulat at pagsisinungaling kaya napailing na lamang ako.

"Kuya, alam kong alam mo. Ilan taon na ba ako para hindi mahalata na nagsisinungaling kayo?" sambit ko sa kanila.

"Freya, anak... maupo ka muna at pag-uusapan natin 'to nang mahinahon." Humila si mama ng isang upuan sa kusina at hinawakan ang balikat ko upang paupuin dito.

"Katulad nga ng sinabi mo, ilang taon ka na rin naman. Hindi na kami magsisinungaling ng kuya mo sa'yo. Ang tatay mo ay tatay rin noong babaeng may pakana ng insidente sa school mo kailan lang. Tatay mo nga ang lalaking kausap mo sa hospital at noong araw na rin 'yon ay napagtaasan kita ng boses sa takot na makilala siya," paliwanag ni mama.

Tinitigan ko ang mga mata ni mama at halata nga na may pag-aalinlangan siya habang sinasabi ang mga kwento niya.

"Bakit? Bakit ka po natatakot na malaman ko?" kwestiyon ko na sa kaniya.

"Hindi ko hawak ang isip mo, anak. Hindi kita mapipigilan na sumama sa tatay mo kung sakaling 'yan ang magiging desisyon mo kapag nakilala mo siya," sagot ni mama.

"Alam kong madami ka pang tanong sa isip mo, anak. Ikukuwento ko sa'yo simula una," dagdag ni mama at ikinuwento niya kung ano ang naging buhay nila noon ni papa. Ikinuwento niya kung paano siya niloko habang pinagbubuntis ako. Gusto ko magalit at mainis habang kinukwento 'yon ni mama. Sobrang hirap ng pinagdaanan niya, sobrang bigat sa pakiramdam niya lahat ng 'yon.

-

Pumasok ako sa klase nang walang kahit anong salitang binibigkas. Binabati nila ako at pekeng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila. Hindi ko nga rin namalayan na nasa tabi ko na pala si Luke.

"Ayos ka lang?" biglang tanong nito. Tumango lang ako at ngumiti.

Pumasok na rin ang teacher namin para simulan ang first sub namin kaya lahat ay tumahimik upang makinig sa discussion nito.

Mabilis lang ang mga ganap at lunch break na. Para nga akong ewan na walang ganang kumain. Lumabas na ata lahat ng kaklase ko para mag-lunch pero eto ako, nakaupo pa rin sa upuan ko. 

Naiwan ako mag-isa sa classroom dahil ang lahat nga ay nasa canteen na o 'di kaya ay lumabas ng school para mag-lunch.

"Hindi ka pa ba kakain?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Luke na nagtatanong.

"Hindi pa, busog pa naman ako," sambit ko na lamang.

Naupo siya sa upuan niya na katabi ko lang din. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa tumunog naman ang tiyan ko.

"Hindi ka pa busog, Freya," aniya. Napapikit na lamang ako sa pagsisinungaling kong 'yon.

"Sorry, wala kasi ako sa mood kumain," paliwanag ko.

"Ayaw sana kitang pilitin na kumain dahil hindi naman kita kontrolado. Pero hindi kasi pwedeng hindi ka kakain. Mahaba-haba pa ang klase mamaya, baka mapaano ka," sabi niya.

Springtime RemembranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon