Third Person POV
Naglalakad si Luke at Freya sa hallway ng school. Maaga silang pumasok at kakaunti pa lang ang estudyanteng makikita sa mga building at gym. Isang oras pa ang pagitan bago magsimula ang klase.
"Gano'n lang pala hanapin 'yung measure ng angle sa loob ng circle? Akala ko hindi ko na talaga maiintindihan o sadyang sabog lang ako noong dini-discuss 'yan," sabi ng dalaga pagkatapos ipaliwanag ni Luke ang lesson nila sa Mathematics.
"Baka may lesson pa na naguguluhan ka, tanong ka lang sa akin," sabi naman ng binata na nasa magkabilang bulsa ng pants ang mga kamay.
Ngumiti si Freya at umiling-uling na. "Okay na, naiintindihan ko na. Thank you."
"May hindi ka pa alam," pahabol ni Luke.
Napalingon ang babae at napaisip. "Ha? Ano pa?"
Lumingon din ang lalaki sa kaniya. "Do you know that you can't poke your cheek and wink at the same time?"
Napaisip muli ang babae at sinubukan gawin iyon. "Kaya ko kaya, tignan mo."
Ngumisi ang lalaki na namumula ang pisngi. "Ang cute mo diyan."
Tsaka lang na-realize ng babae ang ginawa niya kaya mahina niyang hinampas ang braso ng lalaki. "Mga the moves mo talaga!" kunwaring mataray niyang turan pero pinipigilan niya ang labi niyang ngumiti.
Sa building kung nasaan ang SSG office ay nakatanaw si Scarlett sa bintana at kanina pa pinagmamasdan ang dalawa.
Walang kahit anong binibitaw na salita ang babae pero matalas ang tingin niya sa dalaga.
Nang makatapat sila sa classroom ay tumigil silang dalawa at hinarap ang isa't isa. "Punta na ako sa office. Study well, Icetea." Binigyan niya ng headpat si Freya.
Ngumiti na may kasamang nose scrunch naman ang babae sa kaniya. "Don't forget to take a break, Pres."
Dumiretso na rin si Luke sa SSG office at naabutan doon si Scarlett na inaayos ang mga dokumento sa iba't ibang folder.
Ngumiti ang dalaga sa kaniya at bumati. "Good morning, Luke. Hindi na ako nakapag-message sa group chat na maaga ako papasok para maayos 'tong mga papel. Meron ka pa bang ipapagawa pagkatapos ko?" tanong nito.
"Wala na naman. Patapos na rin ako sa report at inaayos na lang para maibigay ko na sa SSG adviser natin," sagot naman ni Luke at naupo na.
Binuksan niya ang laptop at nagsimula muli magtipa. Unti-unting dumating ang ibang officers at nagsimulang gawin ang mga nakatoka sa kanila.
"Guys, invited kayong lahat sa birthday ko ha." Huminto si Scarlett at tumingin sa SSG treasurer nila. "Even you."
Ang dalang nilang magkausap dahil sa nangyaring pambibintang noon. Siya ang tinuro ni Paige noon dahil naging magkaklase sina Scarlett at Grey. Talagang naging malapit ang dalawa dahil sila ang top student sa section nila noon. Pinagselosan niya ang babae kahit wala namang namamagitan sa dalawa dahil panahon pa na 'yon ay gusto na ni Scarlett si Luke. Naging magkaibigan naman si Paige at ang nasabing SSG treasurer kaya madaming nalalaman at sinasabi ang treasurer na ito sa kaniya. May dagdag pa nga minsan ang kwento dahil sa galit niya kay Scarlett. Para hindi na gumulo noon ay pinutol na lang ng binata at dalaga ang koneksyon na meron sila para hindi na mag-isip at makampante na ang isip ni Paige.
Nagkapatawaran na rin naman sila dahil ayaw nilang mag-moving up na may galit sa isa't isa. Dagdag pa na parehas silang parte ng Supreme Student Government kaya dapat ay sa kanila nagsisimula ang kaayusan.
"Uy, anong oras ba kami pupunta sa inyo? May shanghai ba at tsaka kasama ba 'yung pinsan mo? Si ano, ano nga ba ang pangalan no'n?" sunod-sunod na tanong ng P.I.O nila.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...