[TRIGGER WARNING: Some scenes maybe disturbing, upsetting, or traumatizing to some audiences. Read at your own risk.]
Freyas' POV
"Nag-enjoy ba kayo ng mga kaibigan mo?" tanong ni Grey sa'kin habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Oo, sayang nga at kulang kami ng isa," sagot ko at pagtukoy ko kay Francheska.
Ano kayang importante niyang gagawin at hindi siya sumama sa'min?
Ngumiti ako at tumingin muli sa kaniya. "Pero ayos lang kasi may next time pa naman at mas madami ng kasama dahil makakasama namin kayo."
"Ayan na pala 'yung dalawa," rinig kong sabi ni Calyx kaya napalingon ang mga kasama niya sa amin.
"Nag-talking talking pa sila habang nagwo-walking walking," dagdag pa niya.
"Alam niyo kaunti na lang iisipin ko na may something na sa inyo," turo pa sa amin ni Klyde bago kami naupo.
"Issue ka talaga, Klyde. Let them enjoy their friendship kaya," komento ni Fiona.
"Parang kayo ni Castriel? Taguan ng feelings?" Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Calyx. Patuloy lang itong kumakain at tsaka lang na-realize ang sinabi nang makita niya kaming nakatingin sa kaniya.
"It's a joke, joke, joke! It's a joke, joke, joke!" pagkanta pa nito.
"Mabulunan ka sana!" singhal ni Castriel at maya-maya lang ay nabulunan nga si Calyx dahil sa dami ng pinagsabay-sabay niyang pagkain.
"Gagsti ka talaga Castriel—" Napaubo-ubo pa ito kaya agad na siyang binigyan ni Grey ng tubig.
"Himala at ang dami niyang biniling pagkain," sabi ko.
"Hay nako! Galing 'yan talaga rito sa canteen at libre para sa mga player. Syempre nanalo kaya madaming binigay. Sa sobrang daming binigay, hindi na siya magkandaugaga," ani Avianna.
"Nga pala, Freya diretso tayo sa cooking area pagkakain. May cooking lesson tayo mamaya!" excited na pagbigay-alam ni Klyde sa'kin.
"Basta kapag kailangan niyo ng tagatikim, just call my name," sabat ni Calyx.
"Tatawanan talaga kita kapag sumakit 'yang tiyan mo," sabi naman ni Fiona sa kaniya.
Napuno ng ingay ang salu-salo namin dahil kila Calyx, Avianna, Klyde, Castriel at Fiona. Natagalan kami sa pagkain dahil sa mga kalokohan nila.
"Mauna na kayo nina Calyx, Castriel at Fiona sa cooking area, Freya," sabi ni Avianna.
"May pupuntahan pa kami ni Avianna e," dagdag ni Klyde.
"May pupuntahan din kami ni Castriel," sabi naman ni Fiona.
"M-may saglit lang na meeting 'yung club namin," nahihiyang explain ni Fiona dahil sa tingin na kaniyang natanggap kina Avianna.
"Ikaw Calyx?" tanong ni Klyde sa kaniya.
"Ha? Ako ba?" Napakamot ito sa ulo at marahan na tumawa. "Tinatawag ako ng kalikasan e. Alis na ako, ha?"
"Mauna ka na ro'n, Freya. Lahat pala kami ay may dadaanan muna," ani Avianna.
Tumango ako at ngumiti. "Sige, ayos lang."
"Ihatid na lang kita?" suhestiyon ni Grey.
Umiling ako at pinigilan siya. "Hindi na, bumalik na kayo ni Enree sa mga classroom niyo. Alam ko naman papunta ro'n."
"Sure ka?"
"Oo naman."
Nag-iba-iba ang aming mga direksyon pagkadaan sa lobby. Dumiretso ako sa building kung saan ang cooking area. Nang makapasok ako ay napansin ko si Luke na nando'n na at mag-isa pa lang.
BINABASA MO ANG
Springtime Remembrance
Teen FictionPara kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paaralan para makalimutan at iwasan ang madilim na kabanata ng buhay estudyante niya sa dati niyang eskuwelahan. Nan...