CAMPUS CAFETERIA......
TAEHYUNG'S POV
Pilit kong iniignora ang panunukso ni Jimin sa akin habang naglalakad kami papunta sa mesa nang naghihintay na si Seokjin hyung.
"Tumahimik kana diyan. Please lang wag nalang nating i-big deal yung ginawa ng ugok na yun."-Taehyung
"Mygad Taetae, hindi mo ba nakita ang mukha niya nang nilagay niya yung leather jacket niya sa balikat mo?"-Jimin
"Nakita. Pero wala pa rin akong pakialam dahil hindi ako chismosong katulad mo."-Taehyung
Hindi ko rin maintindihan ang takbo ng utak ng Jungkook na yun. Binasa basa ako tapos makokonsensya kapag nagkasakit ako?
Ang laking gago talaga niya.
Inayos ko ang salamin nang tuluyan kaming makalapit sa ngayung kumakain nang si Seokjin hyung.
"Bakit basa ka, Kim Taehyung?"-Seokjin
Napailing nalang ang ako bago tuluyang umupo sa harap niya.
"Where's Namjoon hyung?"-Taehyung
"Papunta na siya dito. Anong nangyari sayo?"-Seokjin
"Same old. Same old."-Taehyung
"Pinagtripan kana naman ng Jeon Jungkook na yun?"-Seokjin hyung
Hindi na ako nakasagot pa dahil agad akong sunud sunod na bumahing habang pinupunasan ang ilong ko ng hawak kong panyo.
"Ewan ko ba diyan kay Jeon. Trip na trip i-bully tong si Taehyung pero minsan makikita mong nakokonsensya din naman siya."-Jimin
"Nakokonsensya? Bakit?"-Seokjin hyung
"Sa kanya yang suot na leather jacket ni Taehyung. Siya pa talaga ang nagpatong niyan sa balikat netong siTaetae nang makita siguro niyang nilalamig na tong isa."-Jimin
"Hindi kaya may gusto sayo yang Jeon Jungkook na yan?"-Seokjin hyung
"Malabong mangyari yan hyung. Ilang taon na rin akong binubully ng hudas na yun at sa totoo lang napapagod na rin ako."-Taehyung
"Pero alam mo Taetae, palagi ko rin siyang nakikitang nakatitig sayo lalo na kapag hindi ka nakatingin."-Jimin
"Ganyan talaga pag may saltik sa utak, Chim. Hindi natin alam kung nasa maayos pa bang pag iisip o kailangan nang magpatingin doctor."-Taehyung
"Ang mabuti pa kumuha na kayo ng pagkain niyo habang hinihintay nating dumating yung kapatid mo."-Seokjin hyung
Mabilis naman kaming tumango ni Jimin at saka tumayo para pumunta sa counter para mamili ng pagkain.
Saktong pagtayo namin ay ang pagpasok ng grupo ni Jungkook sa cafeteria. Mabilis namang umugong ang mahinang bulungan at tilian sa loob ng cafeteria galing sa mga taga hanga niya.
Gwapo, mayaman, matalino at talented din naman kasi ito kaya maraming humahanga sa kanya. Ay teka, meron pa akong nakakalimutan, gago. Isa siyang napakalaking gago ng buhay ko. Wala na siyang ginawa sa araw araw na ginawa ng Diyos kundi ang bwesitin ako sa pamamagitan nang mga immature stunts niya.
Nagtawanan pa ang mga ito at nakita ko kung paano natigilan ang hudas nang makita akong nakatingin sa kanya.
Tila napako ito sa kinatatayuan nang makita ako pero agad ding natauhan nang tapikin ito sa balikat ni Jackson.
Nauna na akong maglakad papunta sa counter at hindi na rin sila pinansin pa. Agad namang sumunod si Jimin sa akin.
Pumila na ako at maya maya pa ay nasa harap na ako ng counter nang maramdaman kong may sunud sunod na tumapik sa balikat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226907298-288-k548877.jpg)
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Random"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...