A FEW DAYS LATER...
TAEHYUNG'S POV
Napangiti ako nang makitang naghihintay sa akin si Jimin at si Bogum sa gate ng university. Nakaupo silang dalawa sa labas ng guardhouse at mabilis na tinuro ako ni Jimin kay Bogum nang makita ako.
Mabilis ding bumaba ako sa sasakyan saka patakbong pumunta sa direksyon nila.
"Taehyung! Don't forget to eat your lunch! Yung ulcer mo!" Pahabol pang bilin sa akin ni Namjoon hyung pero saglit ko lang siyang nilingon para ngitian.
Agad na niyakap ako ni Jimin nang tuluyan akong makalapit sa kanila habang nakangiting pinagmamasdan lang kami ni Bogum.
"Good morning, Taetae!"-Bogum
"Good morning, Bogummiiee! Bakit pala nandito kayong dalawa?"-Taehyung
"Actually, this is Bogum's idea. Sunduin ka nalang daw namin baka kasi pagtripan kana naman at i-bully nang mga loko nating schoolmates."-Jimin
Nakangiting binalingan ko si Bogum na ngayun ay tila nahihiyang napapakamot nalang sa ulo niya.
"That's so sweet of you, Bogummiieee. Thank you."- Taehyung
Biglang nag ring ang cellphone ni Jimin bago pa man ito makasagot kaya hinayaan nalang namin muna siyang sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanya mula sa kabilang linya.
"Yes, Hon?"-Jimin
Nanahimik kami ni Bogum at nakinig kay Jimin. Mukhang si Suga hyung ang kausap nito sa kabilang linya.
"Andito sa guardhouse sa tapat ng main gate. Why?"-Jimin
"Oh, si Taehyung? Andito kasama namin ni Bogum. Actually, sinundo namin siya ni Bogum."-Jimin
"Si Jungkook?"-Jimin
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ng lalaking nagpapalakas ng tibok ng puso ko.
"A-Ah, I see. Sige hon, antayin nalang namin kayo dito. Bye. I love you."-Jimin
Kunot noong hinintay kong patayin ni Jimin ang tawag nang makita ko tila alanganin niyang mukha.
"Bakit Chim? Anong sabi ng boyfriend mo?"-Taehyung
"Pinapatanong kasi ni Jungkook kung nasaan ka daw. Hindi mo na naman sinasagot ang cellphone mo. Nang nasabi kong nandito tayo sa guardhouse kasama si Bogum parang....."-Jimin
"Parang?"-Taehyung
"Nagalit. Papunta na sila ngayun dito. Hintayin daw natin sila."-Jimin
Napabuntong hininga nalang din ako habang naiiling na binalingan si Bogum.
"Pasensya na, Bogumiieee."-Taehyung
Tipid na nginitian lang ako nito.
"Okay lang, Taetae. Sanay na rin ako."-Bogum
Ang totoo ay alam na ni Bogum ang tungkol sa amin ni Jungkook, alam din niya kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanilang dalawa kaya nang araw ding yun ay napag desisyunan na nitong itigil na ang panliligaw sa akin at maging magkaibigan nalang.
Pinaliwanag ko na rin ito kay Jungkook pero ayaw nitong maniwala. Karibal pa rin ang turing at tingin nito kay Bogum.
Maya maya pa ay nakita ko na rin silang dalawa ni Suga hyung na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Nag aalalang binalingan ko si Jimin nang makita ang galit na mukha ni Jungkook.
Hindi ko pa to boyfriend pero kung maka asta dinaig pa ang asawa ko na.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Aléatoire"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...