TAEHYUNG'S POV
"Ayoko na, Tae. Tama na. Pagod na akong mahalin ka."-Jungkook
Sinulyapan niya ako ng huling beses saka tumakbo papalayo bago pa man ako makahuma. Ilang sandali lang ang lumipas ay nawala na ito sa paningin ko.
Inaasahan kong susundan agad ito ni Lisa pero nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin saka ako inalalayang tumayo.
"Tae, are you okay? Shit, what was that?"-Lisa
Natutulirong napayakap ako sa kanya na agad naman nitong sinuklian nang isang mas mahigpit na yakap.
Naramdaman ko pa ang masuyong pag hagod nito sa likod ko dahilan para mas lalo akong mapaiyak. Hindi ko inaasahan na makakaramay ko ang taong kaaway ko noon.
"L-Lisa, si Jungkook..... Sinukuan na niya ako."-Taehyung
"Sssshhh... Calm down for now. Mag uusap kayo ulit ni Jungkook kapag kalmado na kayo parehu. Naniniwala akong maaayos niyo tong dalawa. Mahal na mahal ka niya."-Lisa
Sasagot na sana ako nang marinig namin ang mahinang pag tawa galing kay Minho.
Potangina, nandito pa pala to.
Mabilis na kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Lisa para sana sugurin siya pero agad akong pinigilan nito.
"Stay."-Lisa
Napanganga nalang ako nang mabilis itong lumapit kay Minho saka malakas na sinampal ito. Halos tumabingi ang panga ni Minho sa sobrang lakas ng ginawa ni Lisa.
Hindi makapaniwalang tiningnan ito ni Minho habang hawak hawak ang nasaktang pisngi.
"Tangina mo, Lisa!"-Minho
"Wala nang mas sasama pa sa katulad mong gago! Isang lapit mo pa kay Taehyung ako mismo magpapakulong sayong ulol ka!"-Lisa
Agad niya akong hinawakan sa kamay saka hinatak na niya ako papalayo mula sa lugar na yun.
"S-saan tayo pupunta?"-Taehyung
"Hahanapin natin ang kuneho na yun. Tangina, hindi ako papayag na sa ganito lang matatapos yung love story. Mahal na mahal ka ng lalaking yun tapos susuko lang sya dahil sa ugok na yun. Ay, magkamatayan na hinding hindi ako makakapayag."-Lisa
Napahikbi ako lalo sa sinabi niya. Mahal na mahal nga ako ni Jungkook pero sa kanya na mismo kasi nanggaling na sumusuko na siya. Na ayaw na niya.
"Tangina mo rin, Taehyung tigilan mo munang mag drama diyan at ayusin mo to. Punyeta kayong dalawa. Nasestress ako sa inyo."-Lisa
Hindi na ako nagsalita pa dahil aaminin kong gusto ko ring makita si Jungkook ngayun at sana makapag usap ulit kami ng maayos.
Dire diretso kaming pumasok sa classroom at ganun nalang ang gulat ng mga kaklase ko nang makita nila akong umiiyak.
"Taetae? Anong nangyari?"-Jimin
Mabilis silang lumapit lahat sa akin ni Bogum saka ako niyakap maging sila ni Jackson, Yugyeom at Mingyu ay napalapit na rin.
"Nasaan si Jungkook?!" Malakas na tanong ni Lisa sa lahat.
"Hindi ba dapat magkasama kayong dalawa?"-Yugyeom
"Hindi pa siya nakakabalik dito. Sabay dapat kaming mag lunch pero alam mo naman yung taong yun, lahat ata nakadepende sayo pati pagkain niya."-Jackson
Napayuko ako sa sinabi niya habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.
"Jimin, call your boyfriend. Call Suga hyung now."-Lisa
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Разное"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...