JUNGKOOK'S POV
Pagkatapos nang naging pag uusap naming apat ng araw na yun ay masasabi kong nawalan ako ng mga kaibigan o ako lang talaga ang nag iisip na kaibigan ko sila?
Masakit man pero tinanggap kong itinakwil nila ako dahil lang sa pagpili ko nang taong mamahalin at ang pagtanggap ko sa totoong ako. Isa ito sa kinatatakutan kong mangyari noon pero wala na akong magagawa kundi harapin ang lahat alang alang kay Taehyung.
Mahal ko sila at matagal ang pinagsamahan namin pero nakakapagod nang magpanggap at paniwalain ang sarili ko sa katotohanang alam ko naman kung ano ang totoo.
Pero, worth it ba talaga ang lahat ng to?
Agad kong pinilig ang ulo sa naging katanungan na yun.
No doubt, Taehyung is worth it. Kaya hindi dapat ako mag isip nang kung anu ano.
"Kookie, okay ka lang? May problema ba? Kanina kapa matamlay." Nag aalalang sita sa akin ni Taehyung.
Kasalukuyan kaming nasa study area ngayung dalawa dahil gusto niya raw na mag aral. Hindi siya masamahan ni Jimin dahil may lakad ito kasama si Suga hyung at ayoko namang si Bogum ang sumama sa kanya. Tsk. Asa siya.
Tipid ang ngiting binigay ko sa kanya saka sunud sunod na umiling.
"Wala to, love. May naisip lang ako saglit "-Jungkook
"Alam mo, kung nabobored ka okay lang naman sa aking mag isa dito. You can go to your friends and have some fun, Kookie."-Taehyung
Napangiti ako nang tuluyan nang bumadha ang pag aalala sa mukha niya.
"Hindi, okay lang talaga ako. Medyu may naisip lang pero di naman ganun ka seryoso. And besides, bakit naman ako mabobored kung ikaw naman ang kasama ko?"-Jungkook
Naiilang na iniwas nito ang tingin sa akin nang marinig niya ang sinabi ko.
"B-Basta, okay lang talaga sa akin kung umalis ka muna. Hindi ka naman obligado na samahan ako sa lahat ng oras."-Taehyung
"Tsk. Kahit hindi mo naman ako inoobliga eh yun naman ang gusto kong gawin makikita at makikita mo pa rin ako sa tabi mo."-Jungkook
Kinuha ko ang isang kamay niya at dinala ito sa ilalim ng mesa saka doon ko ito hinawakan nang mahigpit.
"J-Jungkook....."-Taehyung
"Choosing you was the best decision I've made in my whole life, Taehyung. Thank you for coming into my life and breaking the walls I built around myself."-Jungkook
Naguguluhang tinitigan ako nito sa mga mata pero nakita ko pa rin kung paano kuminang ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Jungkook, may pinoproblema ka. Ano yun? Alam mo namang pwede kang magsabi sa akin diba?"-Taehyung
Not a chance na sasabihin ko sa kanya ang nangyari sa amin nila Mingyu. Sa ugali ni Taehyung alam kong sisisihin niya na naman ang sarili niya kapag nalaman niyang nagkasira kami dahil lang sa siya ang pinili ko.
"Iniisip ko lang talaga kung paano kita yayayain at mapapa - oo para maging date para sa Bulletproof Ball."-Jungkook.
"H-Hindi ba dapat babae at lalaki ang magka date sa mga ganyang balll? Okay lang naman ako kahit hindi tayo ang magka date eh. Nasanay na rin akong kasama si Jimin."-Taehyung
"Pero, may boyfriend na si Jimin."-Jungkook
"Edi, si Bogum nalang."-Taehyung
"Eh, sige gawin mo yan babalatan ko sya mismo sa harap mo."-Jungkook
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Acak"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...
