THE CAMPUS NERD'S REVENGE
CHAPTER NINE (WHAT HAPPENED?!)A WEEK LATER...
FEW HOURS BEFORE BULLETPROOF BALL...
TAEHYUNG'S POV
Abala na ako sa paghahanda para sa Ball mamaya at napag usapan na namin ni Jungkook na susunduin niya ako eksaktong 7:30 P.M. ng gabi. Kung tutuusin masyado pa namang maaga and usually hindi talaga ako naghahanda pero ibang usapan na kapag ganitong isang Jeon Jungkook ang magiging ka date mo.
Isang simpleng tuxedo lang ang balak kong suotin at isang pares ng black na contact lense para hindi ko na kailangan pang suotin ang eyeglasses ko.
Ngayong gabi ko na rin siya balak na sagutin. Pagkatapos nang lahat ng ginawa niya para sa akin masasabi kong sigurado na akong mahal nga ako ni Jungkook. Hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin nito.
Katulad nung araw na pinakialaman niya ang fire alarm ng buong university para lang masiguradong nasa football field ang lahat ng estudyante at makikita ng lahat ang ginawa niya sa akin, isang malaking patunay na yun na pinagloloko lang ako ni Mingyu.
Hindi birong galit ang nakuha ni Jungkook ng araw na yun. Buti hindi siya sinuspend at two weeks community service lang ang nakuha niyang parusa. Nakuha na naman niya siguro sa pagpapacute at drama ang disciplinary officer namin.
Sa lahat ng nangyari nitong nakaraan isa lang ang masasabi ko, mahal na mahal ko si Jungkook at sa tingin ko wala na akong mamahalin pang iba bukod sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat sa pagmamahal niya para sa akin.
I love him. I love him so damn much.
Napagpasyahan kong matutulog na muna nang bigla akong makarinig nang sunud sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
Sa pagkakaalam ko ako at ang maids lang ang naririto ngayun sa bahay. Si Namjoon hyung ay kasalukuyang nasa bahay ni Jin hyung dahil sabay daw silang pupunta ng university.
"Taetae....."
Oh, I see. Si Noona lang pala.
Nakangiting binuksan ko ang pinto at agad na inabot niya sa akin ang isang purple box na may magandang design sa labas.
"May nagpapabigay sa labas ng gate, Taetae. Galing yata sa kaibigan mo."-Noona
"Hindi po nagpakilala kung sino?"-Taehyung
"Kaklase mo daw eh. Niyaya ko ngang pumasok pero mukhang nagmamadali. O,sya maiwan na kita at hindi ko pa tapos ang niluluto ko para sa Daddy mo."-Noona
Nagtataka man ay tumango nalang ako saka dala dalang ang box na yun na bumalik sa loob ng kwarto ko.
Naupo ako sa kama ko at agad na binuksan ito. Agad na bumungad sa akin ang isang maliit na voice recorder sa loob ng box.
"Voice recorder? Para saan to?"-Taehyung
Agad kong binusisi ang loob kung may note ba na iniwan at meron nga akong nakita.
~ Hi Taehyung,
Want to know what's inside?
Just click the play button babe and enjoy......~Hindi ko alam pero agad akong binalot ng takot nang mabasa ang nakasulat sa note. Parang may nagsasabi sa aking wag iplay ang voice recorder pero ang isang bahagi ng utak ko ay gustong malaman kung ano ang naka record dito.
Nanginginig ang mga kamay na kinlick ko ang play button at pigil ang hiningang hinintay ko kung ano ang maririnig ko.
"Jeon, may gusto kana rin ba talaga kay Taehyung?"-Yugyeom
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Nezařaditelné"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...