CHAPTER THIRTY-ONE (NOT GIVING YOU UP)

1.7K 112 47
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Yes. So, you better back-off Kim Minjae." Jungkook said with finality.

Agad na umugong ang bulungan sa buong conference room dahilan para sunud sunod akong mapailing.

Mabilis akong tumayo saka nilapitan si Jungkook. Walang babalang piningot ko siya sa tenga saka hinila papalabas ng conference room.

Napako sa aming dalawa ang tingin ng lahat kaya binigyan ko silang lahat ng isang pekeng ngiti.

"Excuse us, everyone. I just need a serious talk with Engineer Jeon."-Taehyung

"Teka, teka, bitaw! Ang sakit, love!"-Jungkook

"Tumahimik ka diyan!"-Taehyung

Hinila ko siya papalabas ng conference room gamit ang tenga niya.

Nagpaubaya naman ito pero panay pa rin ang pagrereklamo habang naglalakad kami.

Tinahak namin ang daan papunta sa opisina ko habang napapalingon sa amin ng may mga pagtataka sa mga mukha nila ang mga nakakasalubong namin.

Padabog na isinara ko ang pinto nang tuluyan kaming makapasok na dalawa sa loob.

"Aray naman....." Narinig ko pang reklamo nito habang hinihilot ang nasaktang tenga.

Nakapameywang na hinarap ko siya habang nakataas pa ang isang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito sa Milan?"-Taehyung

"Magtatrabaho malamang."-Jungkook

"Umuwi kana. Mayaman kana. Quit the job."-Taehyung

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko sa pasinghal na isinandal ang katawan sa mesa ko.

"Quit the job? Tsk. Sa layo ng binyahe ko para sundan ka lang dito? Ano ka? Siniswerte? Hindi mo ko mapapauwi uy!"-Jungkook

"Nananadya ka ba? O talagang nambibwesit ka lang?" Inis kong saad pero parang tila wala lang itong narinig habang inabala nito ang sarili sa pagbusisi ng mga files sa ibabaw ng mesa ko.

"None of the two. I'm here to get my man back. I'm here for you." Seryosong saad nito habang direktang nakatitig sa mga mata ko.

Napamaang ako sa sinabi niya at hindi agad ako nakasagot.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko konting konti nalang magpapalpitate nako.

Nalulunod ako.

Nalulunod ako sa paraan ng pagkakatitig niya ngayun sakin.

Pero......

"It's over, Jungkook. The wedding is already off. Go back to South Korea and drop this project. Trabaho ang pinunta ko dito."-Taehyung

"Bakit? Trabaho rin naman ang pinunta ko dito ah? And about the wedding? Sorry to hurt your bubble love, pero tuloy na tuloy yun. I'm still your fiancee and the wedding will be push through."-Jungkook

"Alam mong nag back-out na kami pati si Dad. So basically, I am no longer your fiancee and that wedding will not going to happen. Not even in your dreams."-Taehyung

Nakita ko kung paano ito sunud sunod na humugot ng isang malalim na hininga saka dahan dahang tumayo.

Napaatras ako nang makitang nagsimula itong maglakad papalapit sakin habang may napaka seryosong mukha.

Umatras ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.

"Diyan ka lang, wag kang lalapit." Nauutal kong saad habang natatarantang nakatitig sa kanya.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now