ANOTHER FEW WEEKS LATER....
JUNGKOOK'S POV
Taehyung's attitude is really getting worse with each passing day. Hindi lang ako ang nakakahalata pero unti unti na siyang nagiging bully.
I know na most of the time ay pinagtatangol lang niya ang sarili niya sa mga sumusubok na apihin siya pero kadalasan ay sumusobra na talaga siya.
"Tae, that's enough." Mahinang saway ko sa kanya habang pilit na inaagaw sa kamay niya ang mga hinog na hinog na kamatis na kanina pa niya pinambabato kay Lisa at sa dalawa pang kasama nito.
Naglalakad na dapat kami kanina pabalik sa classroom pagkatapos naming mag meryenda na dalawa nang biglang sumulpot si Lisa at ang mga kasama nito para sana ibuhos kay Taehyung ang mga dala nitong halos lanta nang mga kamatis.
Pero dahil maagap na nahulaan ni Taehyung ang balak nang mga ito kaya naunahan niya ang mga ito. Ngayun nag backfire sa kanila ang masamang plano nila.
Mabilis na inagaw ni Taehyung ang tray ni hawak ni Lisa saka ito malakas na binuhos sa kanilang lahat. May mga ilang nahulog sa sahig kaya nakangising pinulot ito ni Taehyung at isa isang binato sa direksyon ng tatlo.
"I said, it's enough!"-Jungkook
Hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan siya sa sunod niyang binabalak.
"Pero hindi pa ako tapos! Hindi naman ako ang nag simula nito ah!"-Taehyung
"Nakaganti kana, okay? So, please lang tama na."-Jungkook
Padarag na inagaw nito ang kamay sa akin saka wala babalang malakas na binato ang huling kamatis na hawak papunta sa direksyon ni Lisa. Sapul ito sa noo dahilan para lalong mapakunot ang noo nang marinig ang buhay na buhay na pagtawa ni Taehyung.
Maangas na nilapitan nito si Lisa saka nakangiting inayos ang ngayung magulong bangs na nito.
"Sinabi ko na sayo, wag ako. You messed up with the wrong guy, Lisa. Hindi na ako ang dating Taehyung na hahayaan lang kayo sa mga kagaguhan niyo. Isa pa, isa nalang talaga, puputulin ko na yang punyetang bangs mong puro naman split-ends."-Taehyung
Nakataas ang isang kilay na binalingan ako nito.
"Let's go, Kookie. Nahihibang na naman tong babae mo."-Taehyung
Nauna na nga itong maglakad at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang mukha nang tatlo naligo na ata ng lantang kamatis. Kulang nalang asin at seasonings pwede nang ulamin ang mga to.
"Tae...."-Jungkook
"Pwede ba, Jungkook kung papagalitan mo na naman ako please lang ayokong marinig ang sasabihin mo dahil kabisado ko na ang lahat ng yan. Nakakaumay na. Hindi naman ako ang nag simula pero nagagalit ka."-Taehyung
"Sumusobra kana kasi, Tae. Hindi na tama minsan yang pinaggagawa mo."-Jungkook
"Nung sila ba ginawa nila sa akin ng lahat ng yan, naisip din ba nilang sumusobra na sila? Na hindi na tama ang mga ginagawa nila?"-Taehyung
"Pero mali pa rin...."-Jungkook
"Mali pa ring gantihan mo sila. Hayaan mo nalang sila at wag pansinin. Nandito naman ako hindi ko naman sila hahayaang ibully ka nila. O, diba sabi ko sayo kabisado ko na."-Taehyung
Naiiling na tumigil ako sa paglalakad saka seryoso siyang hinarap.
"Hindi ako nakikipag biruan sayo."-Jungkook
"Hindi ako tumatawa diba?"-Taehyung
"Kim Taehyung, will you please stop being a bitch? Kausapin mo ako ng maayos."-Jungkook
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
De Todo"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...