A WEEK LATER.....
JUNGKOOK'S POV
Naiiling nalang ako habang sinusundan ng tingin si Taehyung habang binibigyan niya ng instruksyon ang mga taong inuutusan niya sa paglilipat ng ilang gamit niya sa kumpanya ko.
Oo, dito muna siya habang tinatapos namin ang project. Nung una ay tumatanggi ito dahil kaya niya naman daw gawin ang trabaho niya kahit na magkalayo kami pero mismong mga clients namin ang nagpumilit na kailangan siyang palaging nasa tabi ko.
Masyado silang mahigpit at metikuloso sa project na to which is naiintindihan ko naman dahil hindi rin biro ang halagang ininvest nila.
"Tae, alam mo namang pwede kitang bigyan ng sarili mong opisina dito sa kumpanya ko diba?"-Jungkook
Napabuntong hininga nalang ako nang tila wala itong narinig at patuloy pa din sa pagbibigay ng instruksyon sa pag aayos ng gamit niya.
Nagpupumilit itong sa loob ng opisina ko siya pupwesto. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Malaki ang opisina ko kasya kaming dalawa kahit na dalhin niya pa lahat ng gamit niya pero ang iniisip ko,makakapag concentrate pa ba ako lalo na't alam kong nasa malapit siya?
"Pakiusod ng konti yung sofa dito, kuya."-Taehyung
"Taehyung...."-Jungkook
Deadma pa rin.
"Kim Taehyung...."-Jungkook
Sa sobrang busy niya nakalimutan na ata nitong nandito lang din ako at kasama niya.
"Tae...."-Jungkook
Deadma ulit.
"Love...." Tawag ko sa kanya gamit ang malambing ngunit mahinang boses.
Napaubo pa ako nang wala sa oras nang mabilis itong lumingon sa akin saka ako tinapunan ng nagtatakang tingin.
Hanep, narinig pa niya yun?
"Yes?"-Taehyung
Tumikhim muna ako bago nagsalita. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya o hindi talaga niya ako naririnig kanina.
"Sabi ko, pwede kitang bigyan ng sarili mong opisina para maging mas kumportable ka."-Jungkook
He just waved his hand as a response, dismissing the idea.
"Hindi, okay lang ako dito."-Taehyung
"Pero Tae...."-Jungkook
"Tinulungan na kita kaya imbes na magreklamo ka diyan hayaan mo nalang ako sa trip ko sa buhay."-Taehyung
"Bakit kasi dito ka talaga?"-Jungkook
"Eh, sa dito ko gusto. Mas magandang mag trabaho dito. Bet ko tong office mo."-Taehyung
"Sige, ako nalang ang lilipat."-Jungkook
Akmang tatawagan ko na si Chynna gamit ang intercom nang bigla akong binato ni Taehyung ang tissue at nasapol ako nito sa mukha.
"Walang lilipat. Sa mars gusto mong lumipat?"-Taehyung
"Tae naman...."-Jungkook
"Tumahimik ka nga diyan at nang matapos na ako dito."-Taehyung
Binalik na nito ang atensyon sa naiwang ginagawa kanina at wala akong nagawa kundi ang sundan ulot siya ng tingin.
Nakita ko kung paano niya finold hanggang sa siko ang manggas ng suot niyang polo shirt at saka binuksan ang dalawang butones nito.
He's hot and very sexy by just doing that.
Nananatili akong nakamasid sa kanya at aaminin kong naaaliw ako habang pinapanuod siya.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Random"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...