CHAPTER TWENTY-ONE (ARCHT. X ENGR.)

1.5K 107 11
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Nasaan kana ba kasi?!"-Namjoon hyung

Napabuntong hininga nalang ako habang inalis saglit ang suot na earpiece. Nabasag ata ang eardrum ko sa lakas ng sigaw na yun.

"I'm on my fuckin' way, okay?! Akala mo naman may utang ako sayong tinakbuhan kung makasigaw ka diyan."-Taehyung

"Nandito na kaming lahat, ikaw nalang ang kulang!"-Namjoon hyung

"Oo, hyung nasabi mo na. Kanina pa. Paulit ulit kana nga eh."-Taehyung

"Bilisan mo na diyan at nakakahiya na sa mag ama dito!"-Namjoon hyung

"Nahihiya ka? Edi, pauwiin mo na."-Taehyung

"Kim Taehyung!"-Namjoon hyung

Napabuntong hininga nalang ako habang pilit ding kinakalma ang sarili.

"Hyung, binibilisan ko na, okay? At kung mas bibilisan ko pa ang pagmamaneho, aba, bumili kana ng damit sa burol ko."-Taehyung

Nangungunsuming napabuntong hininga nalang din ito sa kabilang linya

"Basta bilisan mo na diyan at mukhang hindi maganda ang timplada ng mukha ng ex mo."-Namjoon hyung

As expected.

"Bakit? Nagalit?"-Taehyung

"Oo. Hinahanap ka."-Namjoon hyung

"Sabihin mo, kalma at papunta na."-Taehyung

Pinatay ko na ang tawag bago pa man siya makasagot.

Hindi naman talaga ako dapat malelate, sinadya ko rin ng konti na mangyari to. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin.

Kaya kinailangan ko pang uminom nang ilang bote ng alak para lang magkalakas ng loob na siputin sila bago pa ako masabon ng sermon ng tatay ko at ni Namjoon hyung.

Ilang sandali pa ang lumipas nang tuluyang akong makarating sa restaurant na sinasabi nila. Napabuntong hininga muna ako nang ilang sunud sunod bago ko tuluyang naisipan na lumabas na ng kotse.

Agad akong naglakad papasok habang inaayos ang suot kong puting polo shirt.

"Kaya ko to." Mahinang bulong ko pa sa sarili.

Gustong umatras ng mga paa ko nang makita na sila mula sa di kalayuan.

"Potek, kaya ko ba talaga to?"-Taehyung

Hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa pinanggalingan ko nang saktong biglang mapalingon sa akin si Daddy.

"Taetae! Finally, you're here!"-Daddy

Hanep, sa timing ng tatay ko. Konting konti nalang sana makakasibat na ako eh.

"Ang galing naman." Bulong ko pa.

Dahan dahan ko silang nilingon habang nakaplaster ang isang plastik na ngiti sa mga labi ko.

"Hi?" Alanganing saad ko habang pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa direksyon nila.

Nakita ko kung paano dumilim ang mukha ni Jungkook habang nakatingin sa akin. Hindi na ako nagtaka nang bigla itong tumayo at naglakad papalapit sa akin.

"May namumuo na namang bagyo sa pagmumukha nito."-Taehyung

"May sinasabi ka?"-Jungkook

"Huh? Ah, ang sabi ko natutuwa akong makita ulit yang pagmumukha mo."-Taehyung

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now