JUNGKOOK'S POV
"C'mon, let's talk....."-Suga hyung
Aabutin ko na sana ang kamay ni Suga hyung nang nahagip nang mga mata ko ang tumatawang si Mingyu habang nasa likod niya si Yugyeom at Jackson na halata ang pagka dismaya sa mukha habang nakatingin kay Mingyu.
Galit na tumayo ako at nilapitan siya. Gigil na hinawakan ko ang kwelyo ng suot niya habang mas lalo naman itong natawa nang makita ang galit ko.
"Gago ka, Mingyu! Sabihin mong hindi ikaw ang may kagagawan nang lahat ng to! Tangina mo!"-Jungkook
"Pag ba mga ganyan ako na agad? Ganyan na ba ako kasama sa paningin mo?!"-Mingyu
"Jungkook nasasakal mo na siya....."-Yugyeom
"Brad, kalma..."-Jackson
Sinubukan nilang dalawa ni Jackson na kunin ang mga kamay ko sa kwelyo ni Mingyu pero galit na tinapik ni Suga hyung ang mga kamay nito.
"Hayaan niyo siya kung ayaw niyong ako ang makakalaban niyo."-Suga hyung
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayun habang nakatingin ako sa mukha ni Mingyu. Kaibigan ko to eh. Matalik na kaibigan pa nga. Tinuring kong higit pa sa tunay na kapatid. Pero paano niya nagawa sa akin to?
"P-Paano mo nagawa sa akin to, Mingyu? Akala ko ba magkaibigan tayong apat? Bakit kailangan mong umabot sa ganito? Bakit kailangan mong sirain ang kaligayahan ko?!"-Jungkook
Nasasaktan ako hindi lang dahil sa nangyari sa amin ni Taehyung kundi pati na rin sa ideyang tinraidor ako nang isa sa mga taong pinaka importante sa buhay ko.
Gusto kong sabihin niyang wala siyang kinalaman dito pero base sa pag ngisi niya ngayun sa harap ko, hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ng isang mabuting kaibigan, Jungkook. Dapat nga magpasalamat kapa sa akin eh. Ginigising lang kita sa kahibangan mo sa nerd na yan. Lalaki ka at hindi ka bakla. Wake up, dude!"-Mingyu
Hindi mo na napigilan pa ang sarili, agad na umigkas ang kamao ko papunta sa panga at ilang beses ko pang inulit ito sa kahit na saang parte ng mukha niya.
Agad akong inawat ni Jackson at Yugyeom habang umiiyak na hindi makapaniwalang nakatitig pa rin ako kay Mingyu na ngayun ay pinupunasan na ang masaganang dugo sa bibig niya.
Nakangising dumura pa ito ng dugo saka ako binalingan.
"Walang baklang ganito kalakas manapak, Jeon Jungkook."-Mingyu
"Ngayun ko pinagsisisihan kung bakit naging kaibigan kita, Mingyu. Ngayun ko pinagsisihan kung bakit pinahalagahan kita ng higit pa sa tunay kong kapatid. Pero isa lang ang masasabi ko sayo, ito ang totoong ako. Mahal ko si Kim Taehyung at isaksak mo yan sa baga mo. Hindi ko na kasalanan kung hindi mo kayang tanggapin ang katotohanang yan. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa inyo dahil lang sa hindi niyo matanggap ang kasarian ko. Pasensyahan tayo hindi lahat ay naaayon sa kagustuhan niyo! Tangina mo, Mingyu sa ginawa mo! Simula ngayun pinuputol mo na ang kahit na anong kaugnayan ko sa inyo lalong lalo na sayo! Kung totoong kaibigan kita makikita mo kung saan ako masaya at rerespetuhin mo yun kahit mahirap pa!"-Jungkook
Galit na tinalikuran ko siya saka nagmamadaling lumabas sa event hall habang nakasunod naman sa akin si Jimin, Suga hyung at Bogum.
"I'm trying to call, Taehyung."-Jimin
"Ako tinatawagan ko si Jin hyung."-Bogum
"Mag uusap tayo nang masinsinan pagkatapos nito, Jungkook. Pero ayusin mo muna ang sa inyo ni Taehyung."-Suga hyung
![](https://img.wattpad.com/cover/226907298-288-k548877.jpg)
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Aléatoire"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...