A FEW WEEKS LATER...
JUNGKOOK'S POV
Pilit kong iniiwas ang mga mata kay Taehyung na ngayun ay pilit akong nilalambing habang nakaupo ito sa kandungan ko.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya habang tinatapos ang research papers namin sa world literature. Pero ngayun, nawalan na talaga ako ng gana na ipagpatuloy ang ginagawa.
All thanks to Minho and Taehyung.
"Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede Taehyung. Kaya please lang, kung mamimilit ka lang din, tigilan mo na. Nakakairita sobra." Inis kong asik kay Taehyung dahilan para lalo itong mapasimangot.
"Love, birthday nga kasi ng tao."-Taehyung
"Buti sana kung sasama sila ni Jin hyung at Namjoon hyung, kahit hindi na ako sumama pero tangina Taehyung, ikaw lang makakapunta dahil may lakad silang dalawa. Paano ako makakasiguradong hindi ka gagapangin ng ugok na yun?"-Jungkook.
"Ano ba naman yang pinagsasabi mo? Nakakahiya naman kasi kung hindi ako sasama."-Taehyung
"Bakit ka mahihiya dun? Ni hindi mo nga kamag anak yun."-Jungkook
"Love hindi ko mahanap ang connection ng sinabi mo sa sinabi ko."-Taehyung
"Okay lang yan hindi ko nga rin mahanap ang pakialam ko."-Jungkook
Napasimangot nalang ito saka yumakap lalo sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagdampi niya ng mumunting halik dito.
Nagpapaalam kasi itong sasama sa birthday celebration ni Minho sa Biyernes. Hindi ko maintindihan pero masama talaga ang pakiramdam ko.
Hindi ako kumportable at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mismong araw na nilapitan ako ni Minho para ipagpaalam si Taehyung.
Gusto ko man siyang samahan pero hindi ko magawa dahil hindi ako imbitado. Hindi man lang binanggit ni Minho na gusto niya akong pumunta sa birthday niya. Kaya isa lang nasisigurado ko, gusto niyang masolo si Taehyung. Hindi ako tanga at manhid para hindi maramdaman yun.
Idagdag mo pang bibisitahin ko ang great grandfather ko sa biyernes dahil naglalambing na itong hindi na ako nakakapunta sa kanya.
Pero dahil ubod ng manhid tong taong mahal ko, ni hindi niya maramdamang nasasaktan ako.
"Sige na, please....." Malambing pero malungkot na saad pa nito sa leeg ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang pilit na kinakalma ang sarili dahil ang totoo ang nagsisimula na akong mainis sa pamimilit niya.
"Matanong nga kita, Kim Taehyung hindi mo ba nararamdamang may gusto sayo si Choi Minho? Manhid ka ba o nag eenjoy ka lang talaga sa tuwing nilalandi ka niya?"-Jungkook
Nakita ko kung paano siya natigilan at nasaktan sa sinabi ko pero wala na akong pakialam pa. Dahil kung tutuusin, wala din naman siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ko.
"K-Kaibigan ko lang siya, Jungkook. Kaya hindi ko binibigyan ng malisya ang....."-Taehyung
"Kaibigan ang tingin mo sa kanya pero nakakasigurado ka bang yan din ang tingin niya sayo?"-Jungkook
"Love......"-Taehyung
"Tae, noon pa man pinag iinit na niyang Minho na yan ang ulo ko sa tuwing nilalandi ka niya kaya sa sobrang inis ko nabubully kita ng malala. Kaya kung sasabihin mong kaibigan lang din ang tingin niya sayo, save it cause I won't fall for it. Lalaki ako at alam ko kung sino ang may gusto sa taong mahal ko."-Jungkook
Tila napipilitang napatango nalang ito saka masuyo akong hinalikan sa pisngi.
"Sorry na. Hindi na ako pupunta. Kapag sinabi mong hindi, hindi na ako mamimilit."-Taehyung
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
De Todo"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...