FIVE DAYS LATER.....
TAEHYUNG'S POV
Hindi na ako nagtaka nang agad na umugong sa buong campus ang kwento tungkol sa nangyari nung birthday celebration ni Minho. Dahil mismo ang gagong yun ang nagpakalat nang nangyari nung birthday niya.
Ang masama pa pinalabas niyang sa sobrang kalasingan ko ay ako daw mismo ang nagyaya sa kanya para may mangyari sa aming dalawa.
Ang sarap sakmalin sa leeg ng gagong yun.
That bastard drugged me, obviously.
At ngayun, may gana pa siyang baligtarin ako. Nakailang suntok din si Namjoon hyung sa kanya nung araw na nagkaharap sila at nung araw na rin na yun ay pinutol ni Namjoon hyung at Jin hyung ang pagkakaibigan nilang tatlo.
Hindi na ako nabigyan nang pagkakataon na makaharap pa ulit si Minho dahil sinisigurado nang lahat na hindi ko na sya makakausap at makikita pang muli.
Naging mainit lalo ang mga mata sa akin ng lahat. Laking pasasalamat ko na hindi nawala sa tabi ko ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Jungkook.
Inaasahan kong manlalamig sa akin si Jungkook at lalayuan ako pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo siyang naging malambing at maalaga sa akin. Ilang beses niya rin akong dinipensahan sa mga taong nagsasabi sa akin ng masama.
Ganun kalaki ang tiwala niya sa akin.
Na nagiging dahilan kung bakit ako nakokonsensya lalo.
Hindi ko sinabi sa kanila ang lahat. Hindi ko sinabi ang lahat at totoong nangyayari. Ilang beses sinubukan ni Jungkook na kausapin ako tungkol sa lahat ng nangyari ng gabing yun. Sinabi ko ang lahat maliban sa nagising nalang ako nang walang kahit na anong saplot sa katawan.
Umaasa akong hindi na lalaki pa ang gulo at mababaon nalang din ang lahat sa limot. At sana hindi na manggulo pa si Minho ulit kahit hanggang graduation nalang.
Naglalakad akong mag isa ngayun pabalik sa classroom pagkatapos kong magbanyo nang bigla kong makasalubong si Yerin. Ex-girlfriend ni Minho.
Napataas agad ang isang kilay ko nang makita siya kasama ang tatlo niyang kaibigan. Sa hitsura pa lang ng mga ito alam ko na kung anong pakay nila.
Gulo.
Wala akong plano na pag aksayahan sila ng oras kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero mukhang wala din silang balak na hayaan akong makawala. Hinarangan nila ang dadaanan ko at saka hinawakan ako sa balikat.
"What do you want?" I asked using a very cold voice.
"Layuan mo si Minho."-Yerin
"Bakit hindi mo sa kanya sabihin yan? Siya naman ang patay na patay sa akin at hindi ako."-Taehyung
"Slut."-Yerin
"Ouch. You should stop saying that to your self, Yerin. Hindi ka ba nasasaktan?"-Taehyung
"What the hell?! I'm calling you a slut!"-Yerin
Nanlalaki na ang mga butas ng ilong niya dahil sa
"But babe, I'm so fuckin' gorgeous and angelic to be called a slut. So, you better back off. Dahil kahit lalaki ang gusto ko hindi kumikilala ng babae ang kamao ko."-Taehyung
Halatang nagulat sila sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mapangisi.
"Back off." Mariing ulit ko nang hindi man lang gumalaw si Yerin sa harap ko.
Inis na tinaasan lang niya ako ng isang kilay saka dinuro duro ang balikat.
"Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?! Pampalipas oras ka lang ni Minho kaya wag kang umasta na parang kung sino diyan."-Yerin
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Diversos"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...