ALMOST A YEAR LATER.....
INCHEON INTERNATIONAL AIRPORT...
TAEHYUNG'S POV
Nahilot ko ang sentido ng makaramdam ako ng pananakit ng ulo. Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin at ang gusto ko lang ngayun ay ang makauwi na para makapag pahinga.
Pilit kong iniignora ang mga tinging puno ng paghanga na nakukuha ko sa mga dumadaan sa harap ko. May ilan pa sa kanilang lihim akong kinukuhanan ng picture gamit ang mga cellphones at cameras nila. Sanay na sanay na ako dito kaya deadma nalang.
Kinuha ko ang cellphone para tingnan kung nagreply na ba si Daddy sa text ko kanina na pa landing na ako at nasuklay ko nalang ang ngayung ash gray na buhok nang makitang wala man lang akong sagot na natanggap.
Kunot noong napalingon nalang ako kay Hoseok hyung nang marinig ko ang mahinang pag tawa niya.
"Taetae, chill ka lang papunta na sila niyan dito."-Hoseok hyung
"Hyung, kaya nga first flight ang kinuha ko para makahabol pa ako sa enrolment mamaya sa Bulletproof eh."-Taehyung
"Eh, kung dun nalang kaya tayo dumiretso? Excited na rin akong mapuntahan yang dati mong university eh."-Hoseok hyung
"Pwede rin. Pero nakakainip na talaga kanina pa tayo dito."-Taehyung
Akmang kukusutin ko ang kaliwang mata nang agad na tapikin ni Hoseok hyung ang kamay ko.
"Tigilan mo. Sinabi nang wag na wag mong kukusutin ang mata mo baka ma irritate ka. Ilang buwan ka nang gumagamit ng contact lense hindi mo pa rin alam kung paano mag ingat?"-Hoseok hyung
Napaismid nalang ako habang kinurap kurap nalang ang mga mata. Eh, sa nangangati eh. Hindi nga ako sanay sa pag gamit nito pero mas pinili ko nalang gamitin ko kesa sa salamin ko.
Sa ilang buwang pananatili ko sa US ay masasabi kong malaki na ang pinagbago ko. Pinakulayan ko na ang dating itim na itim kong buhok ng ash gray, pati pananamit ko ay binago ko na rin hindi na ito kagaya ng mga sinusuot ko noon, hindi ko na rin ginagamit ang salamin ko colored contact lense na ang ginagamit ko at higit sa lahat hindi na ako ang dating mahinang Taehyung.
Hinding hindi na ako maaapi dahil lumalaban na ako. Hindi na akong dating nerd na Taehyung na paboritong i-bully noon dahil ngayun subukan lang nilang gawin sa akin yan at makikita nila ang bagong ako.
Ilang oras pa ay nakita ko na ang pamilyar na mukha ng family driver namin. Napabuntong hininga nalang ako. As expected, hindi nila ako nasundo ni Daddy.
Work is work para kay Dad.
School is school para kay Namjoon hyung.
Tsk. Ang galing. Kakauwi ko lang pagkatapos ng ilang buwang pananatili sa labas ng bansa pero walang nag abalang sumundo sa akin. Wala na yata akong pamilya dito sa South Korea.
Pinagsabihan agad ni Hoseok hyung ang family driver namin na dumiretso na kami sa Bulletproof University para makahabol sa enrolment.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman nang makababa ako sa sasakyan at makita ang lugar kung saan napakarami kong alaalang naipon. Mapapait at masasayang alaala.
"Okay ka lang?"-Hoseok hyung
"Okay lang hyung."-Taehyung
"Kaya mo na ba? Maaaring makita mo sila dito mamaya."-Hoseok hyung
"It's okay, hyung. I can manage."-Taehyung
Nauna na akong naglakad habang nakasunod lang sa akin si Hoseok hyung. Sinalubong ako nang nagtataka at humahangang tingin ng mga estudyanteng naroroon.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
De Todo"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...