CHAPTER THIRTY (HELLO MILAN!)

1.6K 96 58
                                    

SEVEN MONTHS LATER.....

JUNGKOOK'S POV

Hindi ako mapakali habang paulit ulit na tinitingnan ang oras sa suot kong relo.

11:47 P.M.

Malapit nang maghating gabi pero hindi ko pa rin naririnig na dumating si Taehyung sa kabilang unit.

Dapat kaninang 7P.M. nakauwi na to eh. Pwera nalang kung may pinuntahan na naman sila ng damuhong Minjae na yun.

Inis na kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka hinanap ang number ni Namjoon hyung, dinial ko ito at ilang sandali pa ang lumipas ay agad na sinagot na rin nito ang tawag ko.

"Jungkook, what's up?" Bungad agad niya nung sinagot niya ang tawag ko.

"Hyung, alam mo ba kung saan nagpunta si Taehyung?"-Jungkook

"Ha? Bakit sakin mo siya hinahanap eh magkasama kayo diyan sa Milan."-Namjoon hyung

"Hyung, nandito nga ako sa Milan pero hindi naman niya alam! Maghahating gabi na dito pero kahit anino niya hindi pa dumadating. Walang tao ang unit niya." Naiinis kong saad.

"Saglit nga at susubukan kong i-message. Nandiyan kana nga hindi mo pa alam kung nasaan ang fiancee mo."-Namjoon hyung

"Malamang sa malamang, inutusan niyo ba naman akong wag magpakita?"-Jungkook

True enough, mag iisang linggo na ako dito sa Milan pagkatapos ko siyang sundan. Hindi agad ako nakasunod sa kanya dahil tinapos ko muna ang nakapending kong project dahil baka ihabla ako ng kliyente namin kapag bigla akong nawala.

At nang matapos iyon ay agad akong lumipad papunta dito pero sa kasamaang palad ay hindi muna kailangan yun malaman ni Taehyung.

Pasikreto akong tinutulungan nina Namjoon hyung at Mr. Kim na makapasok sa project na ginagawa nila. At kapag nalaman yun ni Taehyung ay paniguradong aalma at tututol yun.

Kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay na muna habang ginagawan pa nila ng paraan na mapabilang ako sa project na yun. Pakunswelo ko na nga lang at nagawan ng paraan ni Namjoon hyung na mapunta ako sa katabing unit ni Taehyung.

Atleast, nakikita ko siya at nakakasalubong minsan, yun nga lang kailangan ko nga lang magtago. Ilang beses na rin na muntik na akong mahuli ni Taehyung kaya minsan hindi maiwasang mag ala-ninja ako hindi lang niya ako makita.

Grabeng pagpipigil din ang ginagawa ko kapag nakikita ko silang magkasama ni Minjae at kapag sobrang sweet sa kanya ang ugok na yun.

Paano hindi magiging sweet yun eh nililigawan ng unggoy na yun ang Taehyung ko.

Tsk.

Panigurado magkasama silang dalawa ngayun kaya ginabi yun. Sinasabi ko talaga wag lang magkamali sakin ang pangit na Minjae na yun.

"Jungkook, paakyat na siya ng unit niya. May pinuntahan daw silang party ni Minjae." Maya mayang saad ni Namjoon hyung.

Bigla akong nakarinig ng tila mga yabag sa di-kalayuan kaya agad agad kong pinatay ang tawag nang hindi man lang nagpapasalamat kay Namjoon hyung.

Halos madapa ako sa sobrang pagmamadaling makapunta sa pinto.

Agad kong idinikit ang tenga sa may pinto habang pilit na pinapakinggan ang pinag uusapan nila.

"Thank you for tonight, Minjae. I had a great time." Narinig kong saad ni Taehyung sa labas ng pinto.

Hindi mo mapigilang mapangiti nang marinig ang magandang boses ni Taehyung kasabay nun ang malakas na pagtibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now