JUNGKOOK'S POV
Tinatamad na lumabas ako ng kwarto para kumain ng almusal. Ala una na nang tanghali pero ngayun pa lang ako kakain.
Nakakatamad talagang kumilos pag ganitong walang pasok. Hindi ng dapat ako lalabas ng kwarto kung hindi lang talaga ako nakaramdam ng gutom.
Naabutan ko si Suga hyung na kumakain habang hawak hawak ang cellphone. Sinundan ako nito ng tingin nang makitang kumuha na ako ang plato para kumain.
Kaming dalawa lang ang magkasama dito sa apartment namin.
"Buti at naisipan mong lumabas sa lungga mo para kumain."-Suga hyung
Humihikab na kumuha ako ng hotdog at tinapay saka ito isinubo.
"Himala at nandito kapa. Wala kang date kasama ang boyfriend mong pandak?"-Jungkook
"Ang bastos talaga niyang bunganga mo."-Suga hyung
"Okay lang, mas matangkad pa rin naman ako sayo."-Jungkook
"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo."-Suga hyung
Nginisihan ko lang siya saka tumayo para magtimpla ng kape. Nakita ko kung paano niya ako titigan habang hinihintay akong bumabalik sa mesa.
"Anong klaseng tingin yan? Alam mong mag pinsan tayong dalawa and I'm not into boys. Yuck!"-Jungkook
Agad na kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Ulol ka! Anong klaseng pag iisip meron ka?!"-Suga hyung
Bumalik na ako sa mesa saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ako nagsalita pa ulit dahil ramdam kong may gustong sabihin ito sa akin at sa tingin ko ay hindi pa ako handang marinig ang sasabihin niya.
"Jungkook, mag tapat ka nga sa akin. Wala ka ba talagang gusto kay Taehyung?"-Suga hyung
Tsk. Sinasabi ko na nga ba.
"Hyung, ilang beses mo nang tinanong sakin yan at ilang beses ko na ring sinagot ang tanong na yan."-Jungkook
"Pero hindi ako naniniwala sayo. The way you look at him. The way you seek his attention. Alam kong may nararamdaman ka eh. Ayaw mo lang talagang aminin sa sarili mo."-Suga hyung
"I'm straight hyung, okay? Hindi ako katulad mo. Babae ang gusto ko."-Jungkook
"Babae nga ba? Love knows no gender, Jungkook. Kung magmamahal ka, kahit na anong kasarian pa ng taong yun, mamahalin at mamahalin mo siya. Kahit sa kalabaw ka pa ma inlove kapag tinamaan ka, tatamaan ka talaga."-Suga hyung
Natigilan ako sa sinabi niya dahil ang totoo habang nagsasalita siya ay si Taehyung ang laman ng isip ko. Ang maamo niyang mukha at maganda niyang ngiti.
Agad kong pinalis ito sa isip ko saka sunud sunod na umiling.
"Hyung naman eh, wag mo nang ipilit yang kalokohan na yan."-Jungkook
"Hindi yan kalokohan, ayaw mo lang talagang aminin sa sarili mo ang katotohanan."-Suga hyung
Naiiling na niligpit ko ang pagkain saka tumayo mula sa mesa.
"Wala akong gusto sa nerd na yun. Hinding hindi ako magkakagusto dun. Normal akong tao at babae ang gusto ko, okay? Kaya tigilan mo na ang kakapilit na may gusto ako sa kanya kasi malabo pa sa malabo na mangyari yan."-Jungkook
"Fine, even though that's so homophobic statement I'll still accept that. But I know one day will come, na kakain mo lahat yang pinagsasabi mo."-Suga hyung
Naumid ang dila ko sa sinabi niya. Bakit nakaramdam ako bigla ng labis na takot?
LATER IN THE AFTERNOON...
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Random"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...