TWO WEEKS LATER.......
TAEHYUNG'S POV
"Tae, nasaan na ang fiancee mo?" Mahina ngunit mariing tanong ni Dad.
Wala akong nagawa kundi ang umiling sa kanya bilang sagot.
Our lunatic fathers decided to throw an engagement party for Jungkook and I.
Tanging malalapit na tao lamang sa amin ang mga imbitado pero akalain mong sobrang dami pa rin talaga nila? Halos mapuno ang venue sa dami nang mga imbitado.
"Nag away ba kayo prior to this event?"-Namjoon hyung
"Hindi hyung. Hindi kami nag away."-Taehyung
Naramdaman ko ang pagdantay ng isang kamay ni Jin hyung sa balikat ko saka ito masuyong pinisil.
"Baka na traffic lang."-Jin hyung
Napabuntong hininga nalang ako habang pilit na pinipigil ang mga luhang nais kumawala sa mga mata. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako.
Alam ko kung nasaan at sino ang kasama niya ngayun.
Si Ysabelle.
Hindi ako maaaring magkamali, ngayung araw din icecelebrate ang birthday ng mama ni Ysabelle at nagpupumilit daw itong papuntahin si Jungkook
Narinig ko lahat ang naging pag uusap nila ng araw na yun.
Ang totoo, parehu naming tinutulan ang engagement party na to at parehu din kaming walang nagawa dahil kagustuhan pa rin ng mga tatay namin ang nasunod.
"He's also not answering his phone. I've been trying to call him for a hundred times already."-Mingyu
"Kanina ang sabi niya nakarating na sila sa bahay ng mama ni Ysabelle."-Jackson
"Eh, diba kanina pa yun? Anong oras na oh!"-Yugyeom
"Nasaan na ba kasi ang batang yun?" Nangungunsuming saad ni Mr. Jeon
Tumayo ako saka yumuko sa harap ng lahat.
"Excuse me po, mag ccr lang po ako saglit."-Taehyung
Agad akong tumalikod bago pa man silang makasagot lahat. Naiiyak na talaga ako kaya mabuti pang umalis muna ako bago pa man ako breakdown sa harap ng lahat.
Pumasok ako sa cr at agad na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa harap ng lahat.
Magkaibigan lang naman sila diba? Pero bakit nasasaktan ako ng ganito sa tuwing naiisip kong magkasama silang dalawa?
Iniyak ko nang iniyak ang sakit na nadarama. Natatakot ako pero anong magagawa ko kung ako mismo ang nagbigay sa kanya ng rason para sukuan ako?
Kasalanan ko ang lahat ng to at wala akong karapatang magreklamo.
Pero paano kung dumating ang panahong, ako naman ang mapagod at sumuko?
Kahit anong gawin ko kulang pa rin ito at minsan umaabot na rin ako sa puntong umaayaw nako.
Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ko naisipang lumabas ng cr. Inayos ko muna ang sarili at siniguradong hindi mahahalata ng lahat na kagagaling ko lang umiyak.
Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin. Ganitong ngiti ang ipapakita ko sa lahat. Paniniwalain ko silang okay lang ako.
Okay lang naman ako diba?
Ilang sunud sunod na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako tuluyang bumalik sa kanila.
Napako ako sandali sa kinatatayuan nang makita kong nandun na si Jungkook kasama ng lahat. Masaya siyang nakikipag kwentuhan kasama sila Yugyeom, Mingyu at Jackson.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Sonstiges"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...